ako lang ba

Ako lang ba dito yung in good terms naman with my partner/LO's dad pero parang di mo dama? Parehas kaming may trabaho, mas malaki pa sahod niya sa akin pero gastos ko lahat simula nung nabuntis ako (vitamins, lab, ultrasound, vaccines, etc.). Ngayong malapit na ako manganak, gastos ko pa din lahat, mga damit at gamit ng baby + hospital needs. Yung sahod niya kulang pa sa luho niya, inom halos every other day/weekend. Bibigyan niya akong pera pero ang bagsak ibabalik ko din kasi wala na siyang allowance papasok sa work. Minsan ako pa nagbibigay ng pera sa kanya para di na siya mangutang sa iba. Putek, di nga ako makabili ng isang pirasong branded na t-shirt pero siya naka penshoppe, bench, etc. Name it. Nung bumili kami ny gamit ng baby at sobra yung allowance ko for that haul, ginamit niya pa pambili ng sapatos at damit niya. Recently, sabi niya sa akin masususpend daw siya sa trabaho. Crib na nga lang pinabili ko para sa anak niya mukhang mauudlot pa. Akala ko magbabago nung nabuntis ako, lalo pang lumala. Di ko na alam gagawin. Nasa point na ako na ayoko na. Nakakapagod na. Ang bigat-bigat na niyang dalhin. Di naman ako takot na iwanan ako or whatever kasi kaya ko naman mag provide para sa baby ko. Nakaka bwisit lang kasi may mga lalaking di kayang maging better at di kaya magkusa na magbago.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Humiwalay kna sa kanya. Sa totoo lang wla syang kwenta. Imbis mkatulong dagdag gastusin mo pa sya. Ung sahod mo pra sa inyo nlng ng baby mo sna, kaso nag aabot kpa sa kanya. Irresponsable po yung partner mo. Sna nga mkpag abot sya kaht konti.

Nakakainis naman ung partner mo, dapat turuan mong humawak ng pera walang mangyayari kung puro luho at bisyo lang. Kausapin mo sya pag di nadaan sa usap usap naku bigyan mo ng leksyon imbes na makatulong sya sayo nagpapabigat pa. Sana magbago pa.

VIP Member

Kausapin mo mamsh... baka kc kaya sya nagpapatuloy sa ganung gawain kc akala niya okay kang sayo better na pagusapan yan... baka kc nasanay din sya na ikaw lang ang gumagastos

Sign yan na hindi pa nila kaya magpaka tatay or hndi pa nila kaya iwan ang mga kalokohan nila. Sa panahon ngayon marami ng ganyan. Kaloka.

Considered as branded na pala ang bench at penshoppe ahhaha akala ko naman guess, tommy, etc.. 😂 sus naman

5y ago

Di din sya nabili sa bangketa kaya nga sinabi na branded. Sus. Affected ka bat di ka nalang mamili para di mo pinoproblema ka bitteran mo. Di din namin pinoproblema pang intindi mo. Basic english. Haha.

Nag usap naba kayo sis? Or baka sinasarili mo lang yang nararamdaman mo. Better rif alam nya side mo.

VIP Member

Nag usap naba kayong dalawa momsh? Hala, dpat sa sitwasyon nyo ngaun eh mas maging responsable sya.

Wag po paka stress. Yung pera mo itago mo. Wag mong ipaalam sa partner m na may pera ka. Hehe

usap kayo kase mukang andami nyo problema, d dapt pinapalampas ung usap

Hays feeling binata pa partner mo mamsh