pagluluto

Ako lang ba may asawang sobra magpatronize sa luto ng nanay nya? Siguro naman hindi. Haha. Share ko lang po. Likha siguro ngang masarap magluto ung byenan ko. Kaya madalas pag magluluto dito sa bahay, di masyadong kumakain asawa ko unless siguro gutom na sya. Pero may nasasabi pa din sya. Usually, pag may handaan lang naman. Like bdays tapos ung usual na handa, mas masarap daw mama nya pag gawa. E one time napikon ako kasi parehong nagluto ng halayang ube dito sa bahay tsaka mama nya. Nilabas ko palang ung halaya tapos nagsabi na sya na masarap daw halaya ng mama nya. So sabi ko. Sige pag bumukod na tayo, dun nalang tayo magpapaluto palagi ng ulam. Sabi ba naman na, bakit papaluto pa, e kung pwedeng dun nalang kumain. Kinuha ko ung halaya tas sabi na di nga sya kakain ng halaya. Nagalit din sya. Although pag may mga time na ako ang nagluluto, di naman sya nagrereklamo kahit pa alam kong di ako marunong talaga magluto. Kini criticize nya lang ung luto ng kung sino man dito sa bahay. Pero pag ako nagluto, lagi nyang pinupuri even before ung argument namin na un. Kahit ba naman saved by the google or youtube lang lagi ang recipe ko. Anyways, share ko lang nga ito. ?

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hahaha buti nalang minsan walang maiulam sa kanila at minsan eh bumibili lang sila ng ulam. Mas nasasarapan pa sya sa luto ng lola ko kaya hindi kami nagtatalo about dyan. Hahahahaa

Husband ko namam magcocoment pero kakain din haha 😅 mas masarap talaga magluto MIL ko perp sabi nya hindi din daw siya marunong dati praktis lang. 😄

Mabuti nlang mas masarap at madaming alam ako lutuin kesa sa MIL ko hahahaha sa mama ko ako natuto dahil masarap din magluto mama ko. 😂

5y ago

Mama ko hindi gnon ka runong sa luto.. Mas marunong pa ko mag luto at alam nmn nya yun hehee pinupuri nya ko. Sa mama ng asawa ko masarap daw nag luto pero never ko pa n try. Sabi lng ng side ng asawa ko. Pero mas marami akong alam pag dating sa baking skills 😁

VIP Member

Kame ng asawa ko.. Masarap man o hindi ang luto ko...Sobra nya un na aapreciate...Kasi nag alam nyang nag effort talaga ako.

Ako nmn mahilig ako magtry kahit d q alam lutoin lalo na sa ulam minsan nkakachamba nmn.. pati dessert mahilig ako magtry..

Ung hubby ko dati sis, puring puri din sa luto ng nanay nya pero nung natuto ako magluto, sarap na sarap na cya sa luto ko

TapFluencer

count your blessings nalang mommy :) at least naaappreciate nya efforts mo as we know hindi rin madali mag luto

5y ago

Kaya nga momsh. Hahaha.

Pasalamat ako yung in law ko di magaling magluto, pag umuuwi kami sa kanila kahit yung father in law ko, sinasabi na ako na lang magluto para ganahan daw syang kumain ayaw nya na asawa nya magluto.😂 buti na lng di kami nakatira sa kanila kundi maging taga luto lang nila ako araw araw.

same tayo mommy na sa youtube lang nanonood pag magluluto pero kada magluluto ako tinatanong ko asawa ko kung masarap ba oo naman sagot niya tapos ayaw nya ng bili ng lutong ulam di daw masarap mas ok pa daw luto ko hehehe

Same situation sis. Hands down sya sa luto ng mama nya e napakacommon lang din naman ng luto,wala naman kami tampuhan ng mama sadyang malayo lang loob ko sa knya kasi weird ugali nya,para syang takot sa tao,sa mga anak nya lng sya nakkipagkwentuhan.haha Ako naman dahil sutil sinasagot ko ng "sus di naman ganon kasarap ang luto" nothing extravagant.iniinis ko talaga kase ininis nya ko e.

Magbasa pa
5y ago

Kapag umedad ka ma lalaman mo kung bakit.. For sure isa sa mga anak mo ang lagi kng pupurihin sa luto mo tulad ng puri ng asawa mo sa mama nya 😊 Ako alam ko msarap mag luto mama ng asawa ko pero ang lamang ko mas marami akong alam sa sweets specially baking. Hindi ako nkikipg kumpetensya khit knino ksi alam ko kapasidad ko. 😊