tama ba ginawa ko?

7mos. Pregnant po ako ngayon nahuli ko po na may babae yung tatay ng anak ko sa abroad gumawa siya ng ibang account para itago sakin. Nag away kami tapos sabi nya joke lng daw yun. Nakita ko sa fb ng babae at yung account na gamit nya na in a relationship silang dalawa tapos nabasa ko pa ang mga sweet messages nila sa comment box. Kung di ko pa aq magbukas ng fb nya di ko pa malalaman na niloloko nya na pala ako. Nung chinat ko yung babae sabi pa sakin hihiwalayan nya tatay ng anak ko kung kasal daw kmi wag ko daw sila gugulohin. Pinasa ko sa tatay ng anak ko mga usapan namin ng babae tapoa sakin pa siya nagalit kasi pinahiya ko daw yung babae sa fb dhil sa comment ko na may asawa na yung sinasabi nyang bf nya ngayon sinabi ko na magkakaanak n kmi ayaw sakin maniwala ang babae desperada daw ako at ipokrita. Wala ako tulog simula pa kagabi sa kakaiyak at kakaisip kaya inantay ko na makapag usap kami ng tatay ng anak ko kinaumagahan para sana maayos nmin para sa anak namin pero sabi nya sakin ayaw nya n daw ako makausap. Ginawa ko na lng sinabi ko na di ko na pagpilitan pa sarili ko sa kanya. Buhayin ko na lng anak namin ng mag isa. Kasi wala na nman siya pakialam saamin. Tama ba na alisin ko na lahat ng contacts namin sa isat isa. Tuluyan ko ng kalimutan siya. Tama po ba ginawa ko? Napakasakit po para sa akin na ganun na lng nya kami pinagpalit sa babaeng yun na isang buwan nya pa lng nakikilala.

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa pagrereact ng asawa mo po, sa action nya parang mas pabor sya sa babae nya.. kung ganun edi dun nlng sya! Kayang kaya mo yan momsh at naniniwala ako mas kakayanin mo, mahalin mo c baby mo balang araw magsisisi dn yan BF mo sa ginawa nya sayo di rin magtatagal maghihiwalay dn sila.. masakit po sa una pero malalampasan mo dn yan.. pray lang sis yaan mo na c BF mo maghabol sayo..

Magbasa pa
VIP Member

Wala sya kwentang lalaki, wala sya bayag ng papaka buhay binata sya , kaya mo yan mag isa momi ndi mk need ng lalaki mg bbgay sayo sakit ng ulo kht mahal mo sya kung nagawa nya sayo yan magagawa nya ulit un, ndi na mag babago ang lalaki un. Karma nlng bahala sknya , post mo nga s fb mommy ishare natin gigil ako hahahah joke 😊

Magbasa pa

Halata namang wala siyang pakialam sa inyo, ayaw kang kausapin dahil sa ginawa mo? Mas malala pa nga ginawa niya na mambabae tapos parang pipiliin pa niya yun kesa sa inyo. Totoo naman sinabi mo, wag mo na ipagpilitan ang sarili mo. Wag ka din maghabol sis, hindi mo naman siya amo na kapag umalis e hahabulin mo pa.

Magbasa pa

Pray ka lang sis, ipagpray mu na mabigyan ng wisdom ang ama ng dinadala mo.. Na maging ok na kayo kawawa din ang baby niyo paglabas. Magbabago din siya.. Pray kalang. Ipaubaya mo yan kay Lord.. wories mo ibigay mo sa kanya and cry out to God lahat ng problem mo. God Bless. Magiging maayos din ang lahat.

Magbasa pa
VIP Member

Hi momsh.. Tama lang ginawa mo.. you don't need a man to do a woman's job.. Mas maganda nang tigilan mo ng maaga kesa naman maggaguhan lang kayo in the future. Mas negative ang effect sa bata yung mga ganyan na pangyayare.. Anyway. Pagpi-pray kita.. Stay strong and godbless.. 💪😘

Magbasa pa

para sakin tama yung ginawa mo mamsh. kasi niloloko ka naman nya. everyone deserves someone na tayo lang ang mamahalin ng walang kahati. Pray ka kay Lord to give you strength in times like this but please be smart enough for yourself and para kay baby. Kapit ka kay Lord.

Kaya mo ba mamsh? Tatagan mo, kung madaming aalalay sayo at susuporta kayang kaya mo yan. Tapangan mo at lakasan mo ang loob mo. hindi hinahabol ang mga ganyang klaseng lalaki. Basta yung para sa anak mo ang hingin mo dahil obligasyon naman niya yon. Will pray for u

For me tama lang ang ginawa mo. But kukunin ko ang sustento na para sa anak ko dapat. Ano sya? Magpapakalosyang ako sa trabaho para buhayin ang baby namin habang sya nagpapakasarap sa babae nya. Kelangan nya magbigay ng SAPAT na sustento.

oo mommy hiwalayan mo....pero get mo ung karapatan ng anak mo which is magsustento xa...if ayaw nya then thats the time na idamot mo din anak mo...bwiset mga ganyang lalaki...sarap katayin at tanggalan ng kaligayahan🤔🙄😠

VIP Member

Kung pinagtutulakan ka na po, huwag nyo na po pagpilitan pa ang sarili nyo. Lakasan nyo pk anh loob nyo at wala pong hindi kayang gawin ang nanay para sa anak nyo. Makakaya nyo pa yan maam. Laban lang po.