away mag ama

Hingi sana ako ng payo kung anong magandang gawin? Gitna ako sa mag kakapatid na babae..ang ate ko at ang tatay ko ay nag away kahapon ..at sobra lala na gusto silang palayasin ng tatay ko sa bahay niya..nakatira kasi ang kapatid ko sa kanya at ang asawa nya..ang dahilan ng pag aaway nila ay nahuli nyang may katalik ang tatay ko na babae sa mismong higaan nila ng pumanaw kong nanay (btw po pala mag 3 months pa lang na patay ang nanay ko) na yung ang kinagalit ng ate ko kasi kakamatay lang ng nanay ko may kapalit na sya , at yung babae po pala ay may asawa din,kaya ang tatay ko naki ki kabit,sinabihan ko sya na kumuha naman sya ng walang sabit,sya pa ang nagalit sakin,wala na daw kaming pakealam ,dahil wala na daw syang asawa,mali po ba ako? Ano sa tingin niyo ang magandang gawin? Hayaan na lang namin sya?

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Magkakasama b kayo sa bahay? Kaninong bahay yan? Kanino nKapangalan? Kung sa tatay nyo yan,at kayo ang nakikitira,wala kayong magagawa. Bahay niya yan. Mali man ang gngwa niya,pero sad to say,wala kayong magagawa kundi pagsabihan siya. Nasa kanya parin ang desisyon.

Kung hindi po makuha sa magandang usapan hayaan niyo nalng tatay niyo ksi bahay niya yan wla kayong choice nangungulila po sya sa Nanay niyo, makisama nalng po kayo ksi nakikitira lang kayo sakanya, at lalo kna mamsh wag mong stressin sarili mo baka mapano si bby.

5y ago

Mabilis lang sabihin na hayaan nalang momsh. Nanay kaya nila ung nawala, di ganon kadli yon

Wala kayo magagawa jan... kung hindi masikmura ng ate mo ang ginagawa ng tatay nyo, dapat syang umalis sa bahay ng tatay nyo. As anak, hanggang salita lang tayo sa mga magulang natin, hanggang reminder lang pero hindi natin sila pwede desiplinahin.

VIP Member

dahil ama nyo sya. natural concern kayo. ipaalala nyo nalang na pwede xa makasuhan at makulong pagpunagpatuloy nya pakikiapid sa asawa ng iba. makakahanap padin xa ng walang sabit at magbabang luksa muna xa 1yr.

Ibalita nyo sa kapitbay at sa pamilya nung kabit. Tapos lumipat na lang ate mo.

Ay buntis kaba mamsh?