tama ba ginawa ko?

7mos. Pregnant po ako ngayon nahuli ko po na may babae yung tatay ng anak ko sa abroad gumawa siya ng ibang account para itago sakin. Nag away kami tapos sabi nya joke lng daw yun. Nakita ko sa fb ng babae at yung account na gamit nya na in a relationship silang dalawa tapos nabasa ko pa ang mga sweet messages nila sa comment box. Kung di ko pa aq magbukas ng fb nya di ko pa malalaman na niloloko nya na pala ako. Nung chinat ko yung babae sabi pa sakin hihiwalayan nya tatay ng anak ko kung kasal daw kmi wag ko daw sila gugulohin. Pinasa ko sa tatay ng anak ko mga usapan namin ng babae tapoa sakin pa siya nagalit kasi pinahiya ko daw yung babae sa fb dhil sa comment ko na may asawa na yung sinasabi nyang bf nya ngayon sinabi ko na magkakaanak n kmi ayaw sakin maniwala ang babae desperada daw ako at ipokrita. Wala ako tulog simula pa kagabi sa kakaiyak at kakaisip kaya inantay ko na makapag usap kami ng tatay ng anak ko kinaumagahan para sana maayos nmin para sa anak namin pero sabi nya sakin ayaw nya n daw ako makausap. Ginawa ko na lng sinabi ko na di ko na pagpilitan pa sarili ko sa kanya. Buhayin ko na lng anak namin ng mag isa. Kasi wala na nman siya pakialam saamin. Tama ba na alisin ko na lahat ng contacts namin sa isat isa. Tuluyan ko ng kalimutan siya. Tama po ba ginawa ko? Napakasakit po para sa akin na ganun na lng nya kami pinagpalit sa babaeng yun na isang buwan nya pa lng nakikilala.

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nako mommy, tanga siya. Hindi lang ikaw ang niloko niya pati ang anak niya. Better na huwag mong ipakita ang anak mo sa kanya. Baka siguro way na rin ni Lord sa'yo na huwag mong papakasalan ang isang tulad niya. Huwag po papastress. Lapit po kayo sa parents niyo at kapit ka kay Lord. Hindi ka po pababayaan. Alam mo darating ang araw na pagsisisihan niya ang ginawa niya sa inyong mag-ina. Pero mommy nasa'yo pa rin ang desisyon. Pwede mo rin siyang ireklamo. Nasa batas po yan. Sustentuhin niya ang anak niya atsaka para maturuan siya ng leksyon. Kung di po niya gagawin, sa kulungan ang punta niya.

Magbasa pa