Share ko lang po. Pasensya na wala lang masabihan ng sama ng loob
3yrs na kming nagsasama ng asawa ko. Nahuli ko na rin siya ilang beses na niloloko ako. Dumating na din sa point na sinaktan niya ko. Pero lahat yun pinalagpas ko alang alang na din sa mga anak namin tas mahal na mahal ko siya. Bukod pa dun hindi niya kayang iwanan yung mga kaibigan niya. Kaya niyang gawan ng paraan lahat isang aya lang sakanya mas okay pa sakanya na iwanan kami sa bahay kahit na nung bagong opera ako at bagong panganak nun iniwanan niya kami para lang sa inuman. Tinatanong ko siya kung bakit ganon kesyo nahihiya daw siya kaya pumupunta siya. Nung nakaraan nag away kami ng sobra at dun niya na inilabas lahat lahat ng sama ng loob niya sakin. Kung hindi lang dahil daw sa mama niya eh matagal niya na kong iwanan at dahil sakin hindi na siya nakapag aral dahil nung time na yun nabuntis ako at napilitan lang daw siya na magsama kami. Sabi niya pa naghahanap pa daw siya ng iba kasi hindi naman talaga ak yung gusto niya. Pinapakisamahan lang niya ko dahil lang din sa mga anak namin. at kahit konteng pagmamahal wala siyang nararamdaman para sakin. Kaya wag daw ako mag assume ng kung ano galing sakanya. Hayaan ko nalang siya sa kung anong gusto niyang gawin kasi lahat ng gusto niya gagawin niya pa rin kahit ikagalit ko. Pinagbabawalan ko din siya sa pag inom inom kasi halos gabi gabi nalang nasa inuman. Di ko na alam kung ano gagawin ko kung magstay pa ba ko o hindi na. Kasi sobrang sakit na talaga! Pahinge naman po ng advice. Maraming salamat po.
twinmom