Share ko lang po. Pasensya na wala lang masabihan ng sama ng loob

3yrs na kming nagsasama ng asawa ko. Nahuli ko na rin siya ilang beses na niloloko ako. Dumating na din sa point na sinaktan niya ko. Pero lahat yun pinalagpas ko alang alang na din sa mga anak namin tas mahal na mahal ko siya. Bukod pa dun hindi niya kayang iwanan yung mga kaibigan niya. Kaya niyang gawan ng paraan lahat isang aya lang sakanya mas okay pa sakanya na iwanan kami sa bahay kahit na nung bagong opera ako at bagong panganak nun iniwanan niya kami para lang sa inuman. Tinatanong ko siya kung bakit ganon kesyo nahihiya daw siya kaya pumupunta siya. Nung nakaraan nag away kami ng sobra at dun niya na inilabas lahat lahat ng sama ng loob niya sakin. Kung hindi lang dahil daw sa mama niya eh matagal niya na kong iwanan at dahil sakin hindi na siya nakapag aral dahil nung time na yun nabuntis ako at napilitan lang daw siya na magsama kami. Sabi niya pa naghahanap pa daw siya ng iba kasi hindi naman talaga ak yung gusto niya. Pinapakisamahan lang niya ko dahil lang din sa mga anak namin. at kahit konteng pagmamahal wala siyang nararamdaman para sakin. Kaya wag daw ako mag assume ng kung ano galing sakanya. Hayaan ko nalang siya sa kung anong gusto niyang gawin kasi lahat ng gusto niya gagawin niya pa rin kahit ikagalit ko. Pinagbabawalan ko din siya sa pag inom inom kasi halos gabi gabi nalang nasa inuman. Di ko na alam kung ano gagawin ko kung magstay pa ba ko o hindi na. Kasi sobrang sakit na talaga! Pahinge naman po ng advice. Maraming salamat po.

160 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Let him go na lng mamshie mahirap kpag ikaw lng nagmamahal tapos ang isusukli pa sayo puro pasakit at sama ng loob hayaan mo na sya sa buhay nya in time nmn marerealize nya very wrong talaga sya at kapag nangyari yun baka ikaw naman ang naka move on at sya naman ang nagsa suffer sa heart aches na dinulot nya sayo.. focus on your babies na lng at paunlarin ang iyong sarili this time sarili mo naman ang isipin mo kaya mo yan mamshie lavarn lang! Isipin mo na lang panget sya haha char! Pinatatawa lng kita mamshie sana natawa ka ng kaunti 😜✌

Magbasa pa

Iwan mo na po sya kesa mahirapan at masaktan ka pa ng sobra. Hindi mo naman kasalanan na minahal mo sya. Hayaan mo na lang sya. Ang mahalaga ngayon e mahalin mo ang sarili mo at mga anak mo. Hindi ikaw yung nagkulang. Kaya hindi ikaw ang masisi kung bakit kayo naghiwalay. Ginawa mo naman siguro yung best mo para masalba yung relasyon nyo kaso wala talaga. Tulad ng sabi nya napilitan lang sya na pakisamahan ka. Masakit at nakakababa na yun ng pagkababae. Kaya iwan mo na sya. Hindi sya yung lalaking nababagay sayo. Pray lang mommy l 😚😚😚

Magbasa pa
VIP Member

Learn to love yourself sis. Let him go lalo na kung napipilitan lang naman pala siya dahil sa baby niyo. Di macocontrol ang isang tao na mahalin ka. Kung hindi ka niya mahal edi i let go mo siya kahit masakit. Gawin mo lang ipalegalize mo sa brgy ninyo gumawa kayo ng kasunduan para sa sustento ng baby niyo and most important mag pray ka hingi ng guidance, wisdom at protection kay God. Tanging ang Diyos lang ang nagcocontrol at may hawak ng buhay natin. Have faith and trust God's plan. Dahil alam Niya ang the best sa buhay natin.

Magbasa pa
VIP Member

bakit ka pa mag sstay kung hindi ka nman mahal alam ko gsto mo complete ang family nyo pero sa pag inom inom nyang gnyan hnd lang ikaw ang npapabayaan nya pati mga anak nyo so wala din pa lang kwenta na magkasama kayo kasi d nman dn sya nagpapakatatay sa gngwa nya sayo mas priority nya ang iba kesa sa inyo and hnd k nman pla nya mahal eh and naghahanap p sya iba hindi pa ba sapat na dahilan un para ikaw ay bumitaw??? kung mahal mo sya hyaan mo na lang din sya wala ka mpapala sa gnyan lalaki sis kwawa lang kayo ng mga anak nyo.

Magbasa pa

Masakit pero mas makakabuting iwanan Mo nlng sya sis, what for PRA magsama Pa kayo? Hindi ka nya mahal, wla syang pkialam sa inyo, stress lng yan baka madepress ka Pa nyan.. Malay Mo sa paghihiwalay nyo marealize nya na mahal ka pala nya.. Hindi ako naniniwala na alang alang sa mga anak dapat kayo mgstick together pero naisip Mo Ba kung ano ang magiging epekto sa mga bata sa nkikita nya sa ngayon?.. If you love yourself choose to what is makakagaan ng kalooban mo.Pray and have faith, everything will be fine sis.. God is love..

Magbasa pa

Haii nako mga lalaki talaga.. Pang sarili lng ang iniisip.. Hindi sya deserving xa pagiging tatay nia. . Mgdasal ka na lng palagi na sana makayanan mu lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay mo at sa buhay ng pamilya mo momsh.. Ganyan dn aq dati hinayaan q na lng sya, lugi aq kung poproblemahin q pa sya.. Isipin mo n lng na ndi sya kwalan,nandyan pa nman pamilya mo . Yung mga ganyang tao pinapasa diyos q na lng kse alam q na may karma din nararapat pra sa kanila.. Oh ngayun ang gago na ang habol ng habol sakin..

Magbasa pa

Ate, kausapin mo sya ng yung d sya nakainom u normal sya. For the last time, tanungin mo siya kung wala n talaga siya pagmamahal sayo, Kung wala n e ito na time na iwan Muna siya humingi k n lang ng suporta para s mga Bata. Mag move on k ate kasi hindi siya ang buhay, ang mga anak mo na ngayon ang buhay mo, Hindi sa Kanya nagtatapos ang buhay mo ate, ienjoy mo naman ang buhay mo kasama ng mga anak mo, hayaan muna siya sa buhay na pinili niya kaysa sa inyo. God will bless you ate and your kids.

Magbasa pa

Kasal nmn kayu momshie?? Ngyung nagsasama pa kayu magkalap k n ng ebidensya laban sa kanya .... Lalo n kung sinasaktan k nya physically. Ano cya sinuswerte minahal mo tas ganyan cya ... Pag di mo n tlga cya keri eh umalis ka n sa kanya tas cympre life time commitment na may anak cya syu kaya dapat susustento yan .... Tas cympre kung kasal kayu eh ikw po ang mahal n reyna .... Anytime pede mong ipakulong yan pag may babae yan .... Maglikom ka lng ng ebidensya for future use ahehehe .....

Magbasa pa

Sis mahalin mo muna sarili bago mo siya mahalin. I know n may anak kayo pero parang mas hindi ok na mag sama pa kayo kung ganun lang din ang trato niya sayo. Baka pag nawala ka na sa tabi niya baka din ka niya mamiss. Kaya mo yan, sobrang sakit ng nararamdaman mo. Nasasayo pa din yung desisyon kung magstay ka o hindi. Explain mo na lang sa mga anak mo kung bakit maghihiwalay na kayo, at punuin mo ng pagmamahal ang anak mo ng higit pa sa may buong pamilya. 🙂 smile kana. Be strong.

Magbasa pa

Sabi po sa kasabihan mamsh, malas ka man sa unang asawa mo.. Swerte ka sa pangalawang asawang tatanggap ng buong buo sa mga anak mo.. I dunno if this is true.. Pero kung ganyan din man lang, iwanan mo na mamsh.. Wag ka mag suffer sa mga lalakeng ganyan.. Pagtapos lumigaya, nagkabunga , ngayon di ka na kilala bilang parte ng pamilya.. Damay nya pa nanay niya tss.. Takot lng sa responsibilidad yan.. Ipaunawa nlng sa anak natin yan kahit mahirap sa edad na makaka intindi na sila.. 👌

Magbasa pa