Please payuhan nyo ko kung anong dapat gawin 🥺

3 days na kaming di nag uusap ng asawa ko, nagsimula lang sa nagalit sya dahil nagkalat ng ihi sa bahay yung pusa at nadamay lang ako sa galit nya. Nung gabing yun naglaba sya inalok ko syang tulungan pero sabi nya matulog nalang ako at dahil pagod na din talaga ako nun galing kami sa buong araw na check up sa clinic, nakatulog agad ako. Dahil lang doon hindi nya na ako kinakausap hanggang ngayon. Simula nun iyak ako ng iyak. Ngayon december 31 birthday ng kapatid ko ang usapan namin pupunta kami sa bahay tapos mag uuwi nalang ng ilang pagkain nila para yun ang handa namin para di na kami magluto pareho kasi galing kami pareho ng trabaho panggabi (work at home kami). Ngayong araw walang nangyari, iniwan nya lang ako dito at umalis sya umuwi sakanila 😭 mag isa ako ditong sasalubong ng bagong taon. Tumawag mama ko tinatanong bakit di kami pumunta sabi ko lang nasiraan yung sasakyan kaya di makaalis hindi ko masabi na nag away kami. Nag alok mama ko kung gusto nya ipasundo kami sabi ko gabi na, pero parang gusto kong magpasundo kay mama bukas tapos dun nalang ako titira. Dadalhin ko mga gamit ko pati work station ko. Tamang desisyon ba yun? Sobra kasi akong nadedepress sa ginagawa nya sakin hindi ko akalain na matitiis pa rin nya ako ng ganito kahit na buntis ako sa anak nya, 5 1/2 months pregnant na ako. Iniwan nya lang ako na mag isa dito sa ganitong panahon. Mag fifirst wedding anniversary na rin sana kami sa January 18 pero kung lalayas ako dito baka maghiwalay na talaga kami. Gustong gusto ko na umalis ayaw ko na sobra nya na kong sinasaktan. Tama lang ba na umalis na ko dito bukas 😢

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hirap nang ganyan. buntis kana nga naddpress ka pa. sana manlang inintindi ka nalang kasi sa kalagayan mo. pero better kausapin mo. kung wala parin papiliin muna. opinion ko lang naman kung ako nasa kalagayan mo. kasi magasawa na kayo dapat partner kayo, nagtutulongan kungbaga. kung nd parin makikipagusap sakin pag ako na nagapproach aba ang pride naman nya pagganun. goodluck mommy. sana maayus nyo pa para sa bata.. lam ko un din iniisip mo siguro kung wala pang nabuo madali na lang ding kumalas. pero sating mother kasi iniisip natin na gusto natin buo pamilya nang bata. i feel u. nagaaway din kami humahantong sa nageempake na ako nang gamit ko. nung nd pa pandemic pinipigilan ako pero ngayon hinahayaan ako kasi alam nyang wala akong sasakyan pauwi pero may matatawagan naman ako para sunduin ako. kaso nd natutuloy kasi nagmamakaawa din sa huli na ayaw kaming mawala ni baby. dala lang daw nang galit nya ang mga nasasabi nya.

Magbasa pa