Away mag asawa

Nag away kami ni mister dahil kakalaro niya sa cp. at ako kakatapos ko lang maghugas ng plato at magluluto na. Nagpapatulong lang ako sakanya pero nagalit siya. Sinumbat niya pa na siya taga pamalengke. Try ko daw sumama sakanya magpalengke para alam ko. Di po ako sinasakay ng tryc ng mister ko kasi baka matagtag ako pero grabe na siya mag sermon sakin. Binabagsak niya lahat ng gamit at sobrang lakas ng boses niya sinisigawan ako nahihiya nalang ako sa mga kapitbahay namin. Wala ako magawa kundi umiyak ng umiyak dahil hindi niya man lang naisip na buntis ako. Lagi nalang ganito tuwing mag aaway kami babagsak lahat ng gamit at sisigawan ako. Good provider naman po siya at di babaero. Yung ugali niya lang po na mainitin ang ulo ang problema sakanya. Ahead po ako ng 1 year. 26 po ako 25 siya. Di ko na po alam gagawin ko minsan dahil bka maapektuhan si baby kakaiyak ko. Sama ng loob ko sakanya at gusto niya kausapin ko siya ng parang walang nangyare. 😥😥 advice namab po mga mami na kagaya kong nakakaranas ng ganto sa mister nila. Mag 2yrs na po kaming kasal. #FTM #advicepls

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

di nagbabagsak ng gamit partner ko pero sinisigawan nia ako lalo na kapag mainit ulo nia,pasok na lang ako sa kwarto sabay hagulgol kase diko mapigilan sarili ko,mababaw lang pakiramdam ng mga buntis eh super sensitive pa,pero after a while susunod din sia sakin di nia binabanggit yung word na"sorry"sakin pero nilalambing nia ako,and i know na nagpapakumbaba na sia.after nun ok na kami♥️

Magbasa pa
3y ago

ako mi hindi nya ako sinunod sa utos ko alam nya na bawal aq maglalabas kc medyo risky pagbubuntis ko, pinabibili ko xa ng gulay para sa nilaga dahil night shift xa ayaw nya sumunod dhil inaantok pa daw xa pero halos sakto nmn sa oras ng gising nya ako nag utos kaya ayun dahil hindi xa sumunod kumain xa ng pinakuluan karne na may paminta at asin magtiis xa sa ulam ayaw nya kc sumunod eh... kami ng anak ko iba nag inulam nagprito n lang ako ng itlog