Away mag asawa

Nag away kami ni mister dahil kakalaro niya sa cp. at ako kakatapos ko lang maghugas ng plato at magluluto na. Nagpapatulong lang ako sakanya pero nagalit siya. Sinumbat niya pa na siya taga pamalengke. Try ko daw sumama sakanya magpalengke para alam ko. Di po ako sinasakay ng tryc ng mister ko kasi baka matagtag ako pero grabe na siya mag sermon sakin. Binabagsak niya lahat ng gamit at sobrang lakas ng boses niya sinisigawan ako nahihiya nalang ako sa mga kapitbahay namin. Wala ako magawa kundi umiyak ng umiyak dahil hindi niya man lang naisip na buntis ako. Lagi nalang ganito tuwing mag aaway kami babagsak lahat ng gamit at sisigawan ako. Good provider naman po siya at di babaero. Yung ugali niya lang po na mainitin ang ulo ang problema sakanya. Ahead po ako ng 1 year. 26 po ako 25 siya. Di ko na po alam gagawin ko minsan dahil bka maapektuhan si baby kakaiyak ko. Sama ng loob ko sakanya at gusto niya kausapin ko siya ng parang walang nangyare. 😥😥 advice namab po mga mami na kagaya kong nakakaranas ng ganto sa mister nila. Mag 2yrs na po kaming kasal. #FTM #advicepls

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

may ganyan po talaga mga lalaki d na po mwwla yan .. d q aman nllhat pero may ganyan tlaga. iba nga swit kz bnts halos alagaan ka sbra2x. pero after mo manganak mga 3 bwan pag kagaling matic yan anu2x na ssbhn sau. ppgltan ka. keso ganito gnyan... bhra k nalang tlaga mkkta ng llki na maaus... sa una maaus pero haba tmtgal ngbbgo... at d n tlaga mwwla yan...

Magbasa pa

nakakatakot naman yung ganung behavior medyo similar sa mga npapanuod natin sa tv... pano pa pag labas ng baby mas magging hassle yun for him, ito pa nga lang maliit na bagay ganyan na sya, i hope magbago sya but your call pa din :) kung mas peaceful sa family/parents mo dun ka na bka kala nya dahil ngpprovide sya financially yun na yon

Magbasa pa

ang pangit naman ka bonding ng asawa mo sis, pala sumbat,. ngayun palang ganyan na sya, pano pa kaya sa darating na mga araw at taon,. 🤔 baka dumating ung time di lang sigaw abutin mo dyan,. pag usapan nyo yan habang maaga,.. kung di nya kaya mag bago iwanan mo na✌️😂 kaya dapat talaga maging wise sa pag pili ng ma papangasawa.

Magbasa pa

since kasal na kayo kausapin mo sya sis about sa feelings mo. If hnd sya magbago then alam mo na. Ako lagi ko to cinocomment dito na love ur self and have self respect. Hnd kasi pwd na good provider lang eh. Ganyan ba ugali nya kapag lumabas na ank nyo? panget db? kaha hanggang maari ayusin nyo sis. Open communication is a must.

Magbasa pa

uwi kana muna sa parents mo and avoid mo ung makipagtalo sa knya. if tanungin ka nya e open mo na mas gusto mo na safe at healthy si baby mo mailabas kesa makaapekto yang trato nya sayo. hindi na dapat tayo naggagagalaw sa bahay kung tutuusin. try mo.mamalengke? try kamo nyang magbuntis.

Redflag ung attitude. Ganyan na ba siya bago kayo ikasal? Uwi ka nalang muna sa parents mo, magpalipas ka ng sama ng loob kasi makukuha ng baby mo yang nararamdaman mo mamaya yan pa ikapahamak niya. Tandaan mo, nanay ka na. Dapat first prio mo baby mo, 2nd lang yang hubby mo.

Buntis ka palang ganyan n cya what more kung may anak n kayo. Hnd maganda sa buntis ang mastress at lalong hnd maganda sa harap ng anak n nagaaway kayo. So habang maaga pa kausapn mo n kung hnd cya magbabago umalis ka nlng o cya ang palayasin mo

Kung ako nasa sitwasyon mo mumsh, uuwi na muna ako sa mama ko. Maaalagaan nya ako doon, wala pa ako sakit ng ulo. Tapos makikita ng asawa ko ano mangyayari pag wala ako doon na nag aasikaso ng kung ano anong gawaing bahay.

Uwi ka muna sainyo pahinga ka doon. Ako kahit di ganyan asawa ko pag feeling ko gusto ko umuwi uuwi ako. Pag feel mong uncomfortable kana uwi ka muna sainyo hinga ka sainyo muna.

Hay nako ‘wag mo nalang bigyan ng maraming anak yan mommy. Sa simpleng bagay nga di ka matulungan paano pa kaya pag lumabas si baby tas gaganyanin kalang? Baka mabinat ka pa.