PLEASE RESPECT MY POST😭😭 "BATANG INA"

18 lang po ako at ang bf ko po ay 20. Nalaman kong preggy ako nitong december 27 2022 nag pt ako tatlo lahat positive umiyak nalang ako kase di ko inexpect na mag positive talaga at bigla nalang dun pumasok lahat ng pag ooverthink ko na baka di matanggap nina mama kase nag aaral pako and ang bata ko pa,pero nag usap kami nang bf ko non kung ano desisyon namen dalwa nung una napagkasunduan pa namen na ipalaglag nalang pero nung habang nakakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko dahil buntis nga ako wala lang ako ginawa kundi mag dasal at umiyak iniisip ko lahat kung itutuloy namen pero naisip ko nalang na di nalang ituloy dahil sa takot ko sa diyos at ginawa namen to panindigan nalang at sumang ayon din kagad yung bf ko kase di naman nya pinipilit na ipalaglag to kaya naman daw nya kami buhayin ng magiging anak nya takot lang talaga sya sa magiging reaction ng magulang ko dahil saken pa nagka unang apo sina mama tapos naunahan ko pa dalwa kong kua, 3 months na po tyan ko ngayon pero hanggang ngayon tinatago ko padin sa magulang ko pag bubuntis ko natatakot ako na baka di nila matanggap at alam ko na mahirap buhay ngayon ayoko pa sana dumagdag pako sa isipin nila kaya kami nlg ng bf ko nag aasikaso, nag wowork nadin po sya kasabay ng pag aaral mahirap pero kakayanin po para sa baby namen kung ano dapat gawin at inumin para maging healthy at maayos kami baby ko.

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nasa ganyang sitwasyon din ako noon 17 ako nung nabuntis ako never ko naman naisip na ipalaglag si baby ko habang nag papractice kami mag martsa noong gr 12 ako buntis nako non sa anak ko ngayun nakagraduate muna ako bago ko sabihin/aminin sa magulang ko 5months na tyan ko non nagalit sila inamin nila pero nandito na daw yun wala na sila magagawa pa para baguhin yun tinanggap nila inaalagaan nila kami tinulungan nila ako sa pag papahospital ko sinasamahan ako ng mama ko sa pag monthly check up ko sa hospital , depende naman kasi sa magulang yan iba iba tayo ng magulang ang expected ko noon na papalayasin ako pero kabaliktaran unting pangaral lang at iyakan naging okay na ulit kami at kitang kita ko na mahal na mahal nila ang apo nila sakin unang apo nila haha, depende yan sa magulang mo sis kung ano magiging reaction nila kung kilala mo magulang mo ugali nila mag expect kana ng magiging reaction nila kapag sinabi mona pero wag ka mag tatanim ng sama ng loob sakanila magulang mo sila kung ma disappoint man sila o magalit may karapatan sila dahil pinag aaral ka nila tanggapin ang sasabihin nila at magiging desisyon nila.

Magbasa pa