PLEASE RESPECT MY POSTππ "BATANG INA"
18 lang po ako at ang bf ko po ay 20. Nalaman kong preggy ako nitong december 27 2022 nag pt ako tatlo lahat positive umiyak nalang ako kase di ko inexpect na mag positive talaga at bigla nalang dun pumasok lahat ng pag ooverthink ko na baka di matanggap nina mama kase nag aaral pako and ang bata ko pa,pero nag usap kami nang bf ko non kung ano desisyon namen dalwa nung una napagkasunduan pa namen na ipalaglag nalang pero nung habang nakakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko dahil buntis nga ako wala lang ako ginawa kundi mag dasal at umiyak iniisip ko lahat kung itutuloy namen pero naisip ko nalang na di nalang ituloy dahil sa takot ko sa diyos at ginawa namen to panindigan nalang at sumang ayon din kagad yung bf ko kase di naman nya pinipilit na ipalaglag to kaya naman daw nya kami buhayin ng magiging anak nya takot lang talaga sya sa magiging reaction ng magulang ko dahil saken pa nagka unang apo sina mama tapos naunahan ko pa dalwa kong kua, 3 months na po tyan ko ngayon pero hanggang ngayon tinatago ko padin sa magulang ko pag bubuntis ko natatakot ako na baka di nila matanggap at alam ko na mahirap buhay ngayon ayoko pa sana dumagdag pako sa isipin nila kaya kami nlg ng bf ko nag aasikaso, nag wowork nadin po sya kasabay ng pag aaral mahirap pero kakayanin po para sa baby namen kung ano dapat gawin at inumin para maging healthy at maayos kami baby ko.
ganyan din ako,hindi ko sinabi sa magulang ko kasi alam ko na expect nila sakin pati kamag anak ko,dati nung hindi nako dinadatnan ,nagpt ako and positive sya ,napagusapan din namin na boyfriend ko na ipaglaglag kasi di pa namin kaya at nagaaral pa kami dalawa,so ginawa namin yon paglaglag na bata pero sa hindi ko inaasahan ng akala ko nahulog yung bata sa loob ko,kasi may lumabas ng dugo dugo sakin nun ,kaya inisip ko na nahulog na sya pero hindi ko I expect na hindi pala sya nahulog nun,kaya nakakainom nako ng alak nung kasi ,akala ko nga nahulog na sya sa tyan pero hindi pala ,nabuo pala sya,nagtataka na sila mama at mga pinsan ko na baket lumalaki yung tyan ko,eh payat ako,palagi ako tinatanong ni mama na buntis kaba?sabi ko hindi ako buntis mama,tapos January 16 umuwe kami pangsinan,yung mga pinsan ko babae nahahalata na rin yung tyan ko at ramdam nila may kakaiba sakin dahil nga nagkaroon den sila na anak,edi tumatanggi nga ako hindi buntis,paguwe namin ng makati, January 18ng gabi tinanong nako kung buntis ba ako kasi iba na yung pakiramdam ni mama hindi ganyan yung laki ng tyan,sabi ko hindi ko alam kung buntis ako ma kasi nga nung una pinalaglag ko na eh kahit alam ko bawal sa diyos yon at hindi tama gawin yon,nagalit sila akin at natural lang yon pagalitan ako dahil mali ang ginawa ko pero tinaggap nila parin ako at magiging anak ko ,may galit sa puso nya at hindi nya matanggaap na ganun nangyari sa anak pero naiitidihan ko namn yon eh bilang nanay ko sya, kinabukasan sinamahan ako ng asawa ng Kuya ko nagultrasound kami,may heartbeat yunh bata at mag 6months na yung baby ko sa tyan pero sobrang liit lang ng tyan ko,ang payo ko sayo sabihin mo nalang sa magulang mo alam ko hindi madali sabihin kasi sa expectations mo na nagaaral ka pa pero alam ko matatabggap den nila kayo,blessing yan,wag mong iisipin sasabihin ng iba sayo,tandaan mo,hindi ka nila pinapakain o inaalagaan kaya wala sila karapatan na sabihan kung ano ano,pero tumanggap ka rin namn sasabihin nila sayo kasi yun ang makakabuti sayo yun lang hehe.next month nako manganak sana healthy baby girl ko π₯°π₯°
Magbasa pabe mas maganda pacheck up kana agad sa ob ... mas mabuting magpakonsulta ka pra s right vitamins for you... mejo nararamdaman ko pakiramdam mo ngayun.... sa panganay ko ksi nalaman koeng buntis ako gsto palaglag ng tatay kesyo may asawa at anak daw sya (na nun nya lang inamin at ng nanay nya).. pero mas pinili ko buhayin anak koπ₯°... alam kong alam na yan ng magulang mo nag iintay lang sila n mag open up k s knila π₯°π₯° ... sa case ko ksie dti s panganay ko alam n nilang buntis ako at walang tatayong ama tpos nagsabi lng ako s knila n buntis ako nung makapanaginip ako ng aswangπ π ππ ang corny nung kwento pero that night n napanaginipan ko yun at nagising ako bigla nag sabi kagad ako s mga kapatid ko tpos sbi nila alam n nmin nila mama π π π that time naman kakapanganak lng halos nasa 4months lng kapatid kong bunsoπ π π ... nung una takot n takot ako pero ngayun malaki n panganay ko at magiging ate n din (magkakaron ng kapatied sa bago kong partner) (di kmi nagsama ng tatay nya ksi di nya tanggap yung anak ko pero ngayun nagsisisi ksi kamuka nya yung bata) at habang lumalaki p panganay ko nakikita ko pagmamahal ng buong pamilya ko s kanya mapa asawa ng mga kapatid ko mahal n mahal anak ko lalo n ng lolo at lola nyaπ₯°π₯°π₯°βΊοΈβΊοΈ sunod sa luho p nga minsan π π π π ... share ko lang yung kwento ko be.... wag ka matakot na magsabi s parents mo oo sa una galit ang makikita mong reaksyon nila pero once n nakikita nilang lumalaki tyan mo at lumabas n yung bata solid yun be πππ₯°π₯° yun nga lang may feeling n mas gusto n nla anak mo kesa sayoπ π π π (sad reality but true βΊοΈβΊοΈβΊοΈ) update mo ko kapag nakapag open up kana s family mo π₯°π₯°π₯° and pacheck up kna agad ksi nasa 3months n kamo tyan mo πππ good luck bebe βΊοΈβΊοΈβΊοΈ
Magbasa pahi po, okay ka na ba ngayon? ako din. 17 years old ako nung nabuntis ako sa panganay ko (2020), pero expected na nila yon dahil sa bahay na ng bf ko ako nakatira nun that time 1 year kami ng bf ko bago ako nabuntis at nakatira na talaga ako sakanila. nung nalaman ng magulang ni bf, tinanong lang kami kung ano ang mga plano namin. at nagwowork na nun ang partner ko kaso that time construction pa lang kaya nagdecide kami na lumipat siya ng may minimum na work, and thankful ako dahil napaganda ang pagbibigay namin ng alam tungkol kay baby sa magulang niya. sa magulang ko, almost year bago nila makita tong baby ko. nagkaroon man ng sama ng loob noon. pero ngayon ok na. nakakabisita na kami sa bahay namin kahit kelan namin gusto. lalo na ngayon may kasunod na si baby. hindi na kami natakot na ipaalam pa namin ulit dahil nasa tamang edad na kami. nagalit lang sila sakin dahil 1 year lang nung inoperahan ako kaya ngayon okay naman na sakanila dahil sinabi ko na walang mangyayaring masama samin dahil nung nagcheck up ako sa ospital wala namang issue don. maganda din ang naging usapan ng magulang ko at ng magulang ng partner ko nung bago kami magsama. pero mas okay na paalam mo, malay mo bigyan ka ng magandang payo at kahit na may side na masakit need mong tanggapin ang bawat sabihin nila kasi nga nagkamali tayo at nagmadali sa buhay. mas inaalala lang nila ang kapakanan mo. mas mangingibabaw pa din ang pagmamahal nila sayo. mas mapangangalagaan ka din nila lalo na si baby at para narin sa makakagaan ng loob mo. mas masarap sa feeling na maiopen up mo sakanila yan.
Magbasa panasa ganyang sitwasyon din ako noon 17 ako nung nabuntis ako never ko naman naisip na ipalaglag si baby ko habang nag papractice kami mag martsa noong gr 12 ako buntis nako non sa anak ko ngayun nakagraduate muna ako bago ko sabihin/aminin sa magulang ko 5months na tyan ko non nagalit sila inamin nila pero nandito na daw yun wala na sila magagawa pa para baguhin yun tinanggap nila inaalagaan nila kami tinulungan nila ako sa pag papahospital ko sinasamahan ako ng mama ko sa pag monthly check up ko sa hospital , depende naman kasi sa magulang yan iba iba tayo ng magulang ang expected ko noon na papalayasin ako pero kabaliktaran unting pangaral lang at iyakan naging okay na ulit kami at kitang kita ko na mahal na mahal nila ang apo nila sakin unang apo nila haha, depende yan sa magulang mo sis kung ano magiging reaction nila kung kilala mo magulang mo ugali nila mag expect kana ng magiging reaction nila kapag sinabi mona pero wag ka mag tatanim ng sama ng loob sakanila magulang mo sila kung ma disappoint man sila o magalit may karapatan sila dahil pinag aaral ka nila tanggapin ang sasabihin nila at magiging desisyon nila.
Magbasa paHi. Iβm going through the same thing as you. Iβm only 20. Turning 21 this April. Nag-aaral din (2nd year college) and currently 12 weeks pregnant. I still havenβt had the guts to tell my family na buntis ako. Wala akong courage at natatakot ako na makita yung disappointment sa mga mukha nila kasi they look up to me & they never fail to remind me na mag-aral ng maayos. Nakokonsensya ako kasi Iβm very well-taken care of by my family. Ni gawaing bahay, paglaba, o ano paman yan wala akong ginagawa. Provided na lahat. Kasi they expect me to focus sa school. They kept telling me to resign sa work kasi ayaw nila nahihirapan ako at wala akong enough rest (Iβm a working student by choice, di po ako inoobliga) Itβs really difficult, ho. Walang araw na di ako naguguilty. I still donβt have an exact plan on how I could tell them the truth.Dko parin maimagine. D ko din alam pano ko sasabihin. I really donβt know. Iβm scared and frustrated as you. You are not alone. π
Magbasa pahello same tayo ng sitwasyon takot din ako ma disappointed family ko gawa nag aaral din ako pero nag stop ako ngayon sa pag aaral gawa sa pag bubuntis ko kase nahihirapan ako tas stress pa palagi at ayoko din mapano baby ko, pumayag family ko sa pag stop ko and hanggang ngayon di nila alam dahilan bat ako nag stop. Tulad mo nakokonsensya din ako araw araw lagi din ako naiyak kase gusto ko na magsabi sa family ko pero sa sitwasyon namen ngayon sa family ko mahirap pa sabihin kaya ako nlg nag aasikaso ng mga dapat gawin para maging healthy ang baby ko, wag ka masyado mag pagod at mag isip mag libang ka mag bed rest ka din kase sa sitwasyon mo need mo ng pahinga dahil sa 12 weeks preggy ka nag dedevelop na yung baby mo sa tyan mo kumain kadin sa tamang oras wag ka papalamon sa stress gawin mong lakas baby mo soon masasabi mo din at matatanggap din ng family mo yang baby mo pray lang din alwaysβ€οΈ
I feel you po 17 years old po ako then 20 Yung bf ko diko alam na buntis na pala ako ning march, syempre na takot din ako sa magulang ko kaya tinago ko Hanggang 4 months, alam Kong nahahalata na nila tummy ko, grabe Yung kaba ko tuwing uuwi ako sa amin every sunday. Nag aaral Rin ako grade 11 senior high, Nag start na din Ang bf ko sapag trabaho, Hanggang napag desisyonan namin na aminin na... di Naman nagalit mga magulang ko, unang apo Rin nila sa akin to sinabihan lang kamo Ng magulang ko na buhayin Ang Bata, alagaan, mahalin at palakihin wag daw ipapalaglag kaya nong nanganak na ako tuwang tuwa po sila at Ngayon 3 months old napo Yung baby girl ko ngayun chubby and healthy π₯°π₯° kaya kahit Anong kaba at takot payan, aminin nyo napo sa kanila, nagalit man sila alam Kong tatanggapin Rin nila Yung baby moπ₯°π₯° good luck po sa inyung dalawa Ng bf mo and I wish you a safely delivery of your babyπ₯°π₯°
Magbasa pathank you Rin poπ₯°π₯°
Ipaalam mo na po sa parents mo. Pareho lang po yan maaga or late mo po ipaalam same reaction lang po. Pero ang mas maganda kung maaga mo po maipaalam ay mababawasan kinikimkim mo...Nakakainom ka ba ng prenatal vitamins at nakapagpa ultrasound ka na ba? By mean itago sana di ka nagsusuot ng mga masisikip na damit. May ganyan kasi akong case na alam estudyante pa lang siya then tinago niya sa parents niya kaya ginagawa niya nag susuot siya nang masisikip para di makita yong umbok ng tyan niya tas nong manganganak na siya saka nalaman ng parents kaya lang yong baby di na fully developed kasi naiipit pala sa loob ng tyan. Iyak siya nang iyak sa huli nagsisi siya. Huwag ka masyado pa stress mamsh. Pray lang po and take care of yourself. Pag inalagaan mo sarili mo inaalagaan mo rin si baby. Stay strong po.
Magbasa paHi po thankyou po sa good comment opo di pa po alam nina mama pupunta naman po family nung bf ko sa bahay at sila po ang magsasabi sa family ko kaharap po kaming dalwa ng bf ko respeto nadin po sa family ko para iwas sama din po ng loob kase po naitago ko po ng 3 months di pa po ako nakakapag pacheck up pero nainom po ako ng vitamins para sa baby ko di din po ako nagsusuot ng mga masisikip na damit halos naka tshirt na luwag at dress na luwag po suot ko kase ang laki nadin po ng tyan ko at malikot na sya HAHAHAHAHAH alam ko po na alam na ng family ko gawa din po sa sinusuot ko and halata na po kase tlga sya inaantay lang po ako siguro nina mama mag sabi
Hi, how are you right now? Best choice na hindi mo pinalaglag si baby kasi malaking kasalanan yun and for sure the pain and guilt (all your what ifs) will hunt you in this lifetime. For me, there is no other choice to make than to let your parents know. Maybe they'll get angry and you'll receive painful words but you have to face it to move forward. All you have to do both of your bf is to move forward for your baby and the only way to do it is to face it. Keep praying na gagabayan kayo when you confess it to your family and pray for strength, for you and your baby growing in your tummy. It's a great blessing to be a mom (i swear), and not all were given the privilege to have a child. You are still fortunate.
Magbasa paI'm almost 30yrs old, 2yrs married at may magandang trabaho PERO PUMASOK RIN SA ISIPAN KO IPALAGLAG and I realized kawawa yung baby for sure habang buhay yung konsensya ko. Ngayon 6months na kong buntis. Hindi man natin gusto yung sitwasyon pero magiging okay din po ang lahat, one step at a time lang. Importante supportive yung partner mo. Kung magalit man pamilya mo, lilipas din yan. Mgpacheck ka sa RHU libre lang nman at may vitamins sila binibigay, just eat healthy at iwas stress. Kahit gaano kahirap tapusin mo pa rin pag-aaral mo. Lahat nman ng naging successful dumaan sa hirap. God Bless π
Magbasa paNag aaral din ako nung nabuntis ako. Sobrang strict din ng parents ko na tothe point na ayaw ng tatay ko na magkajowa ako. Yung nanay ko sobrang masakit yan magsalita kaya idinaan ko nalang sa pagsulat ng letter. I included pictures of my ultrasound. I think that was the first time na magsulat ako ng heartfelt letter. Di kasi kami sanay na magshow ng feelings sa family namin. Nagalit sila sa simula, pero ngayon? Pinalangga na nila ang baby ko. Take your time na magsabi sa kanila. Huwag mo lang paabutin na sa iba nila malaman. All will be alright in time. Sending hugsπ
Magbasa pa