AYAW KO PO SA TUBIG :/ May mga momsh din po ba dito na ayaw or naduduwal pag umiinom ng tubig.? 🤮🤢

10 weeks pregnant po.

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same po lalo na nung 1st tri. Ang ginawa ko lang is cold water iniinom ko pero hindi yung may yelo saka pure na sabaw ng buko minsan malamig minsan hindi. As per may OB kung ganyan ang case pwede naman daw mag juice basta wag yung sobrang matamis. Kaya alternate inom ko nun water and sabaw ng buko. ☺️

Magbasa pa

same po mi pero ang ginagawa ko, nilalagyan ko yelo kahit konti lang para di ko masyado malalasahan. kasi importante pa rin kasi tubig sa katawan. but now 2nd tri ko na, okay na ako kahit walang yelo.. wala naman sinabi si doc sakin bawal malamig. matatamis lang pinagbabawal nya kasi tumaas konti sugar ko..

Magbasa pa
2y ago

ako din buong pagbubuntis, tubig na may yelo iniinom ko. normal naman size ni baby sa gestational age niya.

same. parang na duduwal ako, kaya ginawa ko nag change ako ng brand ng water even same water lang naman.🤣 nakakatawa. tas mas napadami ako kapag cold na sya na iinumin ko, feeling ko ang linis2 nya kaya ito katabi ko always malamig na tubig.

ako po simula first tri. Hanggang ngayong 34 weeks always pong malamig na tubig Ang iniinom ko Hindi ko din po Kasi kaya kapag ndi malamig nagagaraan po ako sa lasa sabii nmn daw po myth lang daw Yung nakakalaki ng baby Ang malamig na tubig

TapFluencer

ako ganon din,pag nakain ako tas uminom ako ng tubig lahat ng kinain ko sinusuka ko. Kahit wala akong kinakain susuka pa rin so ang ginawa ko nagtry ako sa fresh buko juice ayon ginagawa kong tubig d na ako nagsusuka.

ganyan din ako ka selan mung 1st tri ko. 17 weeks na ko. ang ginagawa ko medyo malamig na tubig iniinom ko. hindo yung nagyeyelo. yung sakto lang. sakin kasi lamig lang ng dispenser kaya simula non nakakarami na ko

akala ko ako lang, naduduwal din ako sa tubig nagagaraan ako sa lasa kahit mineral naman. 😅 gnagawa ko tumatayo muna ko for a while para bumaba sa tyan kasi pag inubo ko agad nataas sa lalamunan ko 😅

Yes po ako po sobrang selan nong buntis. Kahit tubig ayaw ko.. Ang naging inumin ko non buko juice. Pero pinilit ko pa dn uminom ng water kahit nasusuka na ako. Kasi need po yon.

yes po para po lalo akong sinisikmura pag nainom ng tubig tapos nga ng babalat na labi ko kaya nid ko uminom at tiisin ang pag inom para din kc kay baby eh

Ako po ganyan nung first to second tri ayaw ko ng water sobrang selan pero kelangan sis kahit paunti unti basta madalas ang pag inom advice ng ob