Naduduwal sa Tubig

Gusto ko po hydrated ako lalo na mainit ang panahon pero everytime na umiinom ako ng tubig naduduwal minsan nasusuka ako sa tubig. Unti-unti or madamihan naduduwal talaga ako. Gusto ko lang naman maging hydrated. 😞😞 Sino po nakaranas ng ganito? 10weeks here

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

GANYAN DIN AKO NUNG 1ST TRI KO MHIE. HALOS DI MAKAKAIN AT MAKAINOM NG TUBIG. HALOS FLAVORED DRINKS LANG ANG INIINOM KO. DI AKO MASYADO UMIINOM NG TUBIG. KAYA NUNG NAG LABORATORY AKO, BIGLANG TUMAAS ANG SUGAR KO. GRABE ANG KABA NON. KAYA ANG GINAWA KO UMIINOM NA LANG AKO LAGI NG TUBIG NA MAY LUYA. PARA MAIWASAN ANG PAGSUSUKA AT PAGHIHILAB NG TIYAN. TRY MO GAWIN MHIE. MAKAKATULONG YUN SAYO :)

Magbasa pa

Sakin momsh, minsan nag-gatorade ako tapos tsaka iinom ng water. Or juice muna tapos inom water. May times din na pagkainom ko ng water, nagc-candy agad ako after pero yung di super sweet kasi bawal daw matamis para iwas diabetes. Pantanggal duwal ko lang yung candy. Try mo po gingerbon. Ayaw ko din lasa ng plain water during my first trimester 🤭

Magbasa pa

Ganyan din ako sa 1st trimester kahit sa tubig nasusuka. Try mo po super lamig na tubig then time to time sip lang wag madamihan (actually kahit kaunti lang iniinom ko naduduwal rin ako) Kung hindi po kaya ang pagsusuka, ask your OB may ibibigay po na gamot kaysa naman ma dehydrate ka jan

ako ganyan din sukang suka ako sa water.1st trimester ko. ang ginagawa ko ppbli ako ng yelo saka bonus distilled water pero d msyadong malamig pra mainom ko.iniwasan ko naman din kase ung mga juice kase mg cacause lalo ng uti.kaya tiis tiis lang din.

naalala ko 10weeks yung peak ng paglilihi ko sobrang hirap di talaga makakain, nagbawasan timbang ko ng 10kilos tas natapos paglilihi ko nung 18weeks na ko.. now 21weeks na nabalik na gana sa kain 😊

mi try mo mag switch sa wilkins ako kasi nun nung first trimester may time na ayaw ko ng lasa ng water na mineral na binibili ng mother ko kaya naka wilkins ako noon.

Ganyan din ako pait na pait sa water nung 1st tri ko. Pero thankful na on and off ang panlasa ko kaya pag okay okay dadamihan ko ng inom ng tubig

nung 1st tri ko din mga 6 or 8 weeks may week ako na ultimo tubig nakaka suka sobrang hirap 🤦‍♀️

Pwede po ang Pocari or electrolyte drinks sa buntis. Try niyo po.

ako po naglalagay ng yelo kasi pag wala, nasusuka din po ako.