Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Preggers
Breastmilk storage
Mga momshie. Pwede ba yung ganto pang store ng breastmilk? Gusto ko kasing magpa breastfeed. Nakabili na ko ng yoboo na electric pump kaso wala kaming ref.
Watery discharge at 34 weeks
Mga mamshie. Ano itsura ng watery discharge? Napapaisip kasi ako sakin. Yung sakin kasi may white mens onti tapos may parang konting basa naman sa paligid. Normal lang ba yon? Yan pa naman binabantayan ko yung pag leak ng panubigan. Di ko pa nababanggit kay ob. Sa monday pa balik ko. Tapos 2nd week pa ng june schedule ko ng ultrasound. Last ultrasound ko nung march pa.
Bleeding hemmorhoids at 33 weeks.
Sino dito may hemmorhoids? Nabigla ko na naman yung pag poop ko kanina kaya parang na trigger na naman sya at dumugo. Kahit tapos na ko mag poop meron pa din lalo na pag nakaupo ng matagal. Napa praning tuloy ako iniiisip ko baka vaginal bleeding na.
32 weeks.
Bat kaya di ako binibigyan ng OB ko pati sa center tsaka sa hospital ng request for ogtt? Yan nalang yata ang di ko nagawa. Dun ba sila nag babase sa Blood sugar yung tinutusok lang sa daliri? Kasi normal lang naman akin don. Pero 6 mot palang ako nun. Pati ultrasound kung di ako nagsabi kanina di ako bibigyan. Gusto ko sana ngayon na pero sabi ng center sa katapusan daw. Tinanong ko kung pati sa laboratories no need na daw kahit nung march palang yon. Ilang beses ba nag uultrasound and laboratories sa 3rd trimester? Feeling ko kasi dami kong nararamdaman. Kaya todo kontrol na ko sa kinakain ko. Di na ko halos mag kanin. Sa tanghali nalang ako bumabanat ng kain pero more on gulay parin less kanin na. Sa umaga tinapay nalang. Sa gabi konting kanin lang din. Hirap na kasing bumanat ng kain kahit gusto ko pa. Parang sasabog na tyan ko. Tas hirap pang huminga at matulog. Parang habol hininga lage. Feeling ko pa nahihilo ako. Ok naman bp ko. 60kls na nga lang ako na dating 45 kls lang. O baka nanibago lang ako sa bigat ng katawan ko.
Galaw ni baby 32 weeks
Mga mi. 32 weeks na ko sa tuesday. Normal lang ba yung parang di ko na na ffeel sipa ni baby? I mean para nalang syang wave na slow motion? Nasisikipan naba sya o may kakaiba na sa kanya? Sa thursday pa appointment ko sa ob ko eh. Nakakapraning. Pag hiniHimas ko naman sya nag mmove naman. May time na hindi rin. Btw anterior placenta pala ako. Kaya minsan pag di ko sya ramdam tinutusok ko tyan ko.
Baby oil recommended for new born.
Mga mi. Plano na bumili ng essentials. Anong baby oil ang ginamit nyo nung nanganak kayo? Sabi kasi nila bawal manzanilla and johnson tama ba? Di ko alam kung anong brand bibilhin ko and gano kalaki?
Fur mom and mommy at the same time.
Mga momshie na furmom din pa hellllp! Nai stress na ko sa alaga ko talaga nakakapikon. Tatlo silang aspin. Yung isa nanay tas dalawang anak nya puro lalaki. Nakaraan lang nagpost ako na i ssurrender ko na sana sila sa barangay kasi nga nakakagat ng 4 years old na bata yung dalawang anak tsaka manganganak na din ako walang mag aalaga. Di ko na surrender kasi naaawa talaga ako at nakukunsenya. Pero ngayon parang gusto ko na naman pero yung isang anak lang yung nakakagat talaga. Di ko na sya maintindihan mga mi. Di ko alam kung dahil ba yan sa mga gamot na ininom nya nung baby kasi nga nag 50/50 na sya. Grabeng tigas ng ulo. As in di nadadala. Sya talaga yung bukod tangi. Pinakamatapang, Asmal na to the point na nag aagaw na ng pagkain at higaan ng nanay at kapatid nya. Oo napapalo ko talaga alaga ko pang disiplina na din. Nakatulong naman sa dalawa pero yung isa talaga grabe. Lahat ng makita nginangatngat. Ngayon yung gatas ng pamangkin ko. Nalingat lang ako saglit butas butas na. Tsinelas, charger, mga mahalagang gamit. Normal lang sa iba oo pero di naman ganyan yung dalawa. Nai stress na ko sa isang yan talaga parang gusto ko nalang umiyak sa yamot! Napapalo ko talaga na labag sa loob ko! Gusto ko nalang yatang maging masamang furmom!
First time mom at the same time Fur mom too.
Share ko lang. Na gguilty ako. Feeling ko ang sama kong furmom. May tatlong aspin ako. Isa don nanay nila 3 years old. Mag iisang taon palang 2 anak nya puro lalaki and puro pasaway. Wala pa silang bakuna kasi inaantay ko pa yung libre dito sa barangay. Di naman sila lumalabas since birth nila. Yun nanay nila complete vaccine yon and may vet talaga. Sila lang yung hindi ko naasikaso pa since kinapos sa budget kasi priority ko pa yung pinagbubuntis ko. Alam ng kapitbahay ko kung gano ko ka alaga at kamahal tong mga aso ko. Nakikipag away pa nga ako para sa kanila kaya lang di ko na rin kaya ngayon. nakaraan kasi nakakagat ng 4 years old na kalaro ng pamangkin ko yung dalawang anak. As in kung di namin binaba kasi nasa taas kaming lahat baka nalapa na talaga. May isang malalim na kagat sa paa yung bata as in sa pangil talaga yung pagkagat. Bigla kasing pumasok yung bata eh di sya kilala nung mga aso ko. Tas wala pang tao sa baba. Nakakapraning kasi wala pang bakuna kahit kampante naman ako na walang rabies tong aso ko kasi nga since birth nila di sila nakakalabas. Ang yung nanay nila is complete vaccine naman. Open naman yung bahay namin yung nakaka pwesto sa bintana mga aso ko. Hindi sila nakakulong at di rin nakatali. Nakakapaglaro din sila sa loob. Napabakunahan na din namin yung bata. Nakakastress lang kasi kung kelan nasa loob nga lang ng bahay naka disgrasya pa. So yun na nga. Sobrang yamot ng papa ko plano na silang i surrender sa barangay. Dagdag pa na manganganak ako. Wala ng mag aasikaso. Sobrang ingay din sa gabi lalo nat may madaan lang na di nila kilala o may konting kaluskos lang. Nakkunsensya ako. Masamang fur parent naba ako? Di madali yung magiging desisyon pero parang no choice na ko. Plano kong ipaiwan yung nanay pero ayaw na talaga ng papa ko. Kahit alam kong masakit din yun sa kanya. 😭
Baby's need
Hi mga momshie. Suggest naman kayo ng mga needs ni baby. Para sa new born muna. Ex. mga oils. Inaallow ba ang new born ng mga ganyan? Or cream? Sa baru baruan po ilang pcs dapat? Hanggang ilang mos magagamit yon? 1 mot lang ba kasi gusto ko na din bumili ng onesies. May mga naka add to cart na ko kaya lang di ko sure kung lahat ba yon magagamit ng newborn. Like nursing pillow. Baby bathtub. Sa diaper naman anong i ssuggest nyo for newborn? And wipes. Pinagiisipan ko din bumili ng pump tsaka feeding bottles kasi gusto ko talaga magpa breastfeed and mag stock ng breastmilk kahit di ko sure kung sapat ba gatas ko. Like bottles steamer gamit na gamit din ba yon? Help me mga momshie. 7 mos na ko and naalarma lang ako kasi anytime pwede na daw ako manganak. Lalo nat maselan ako. Wala pa kasi akong nabibili kahit isa.
IE AT 28 WEEKS
SiNo dito na ie kahit 28 weeks palang? First time kong magpa check up sa public hospital. Nagpa record lang kasi ako kasi plano kong manganak don. May Ob ako naman ako private pero syempre sino ba namang ayaw mag zero balance sa hospital bills diba. Private ob ko parin naman magpapaanak sakin kasi affiliated naman sya dun sa public hospital. Di ko lang inexpect na maa ie ako kanina. Maselan pa naman ako. Natatakot ako kasi yung iba dinudugo after ie.