first time ko po macs dahil nakunan. napansin ko po sa tahi ko medyo hilom na yung ibabang parte ng tahi ko, hindi na visible yung sinulid, at balat nalang talaga siya. pero yung itaas na part hindi pa. kita pa din mga sinulid tapos may itim itim pa. bakit kaya? normal lang ba na di pantay paghilom? #pleasehelp
Read moreask lang sa mga nacs, ilang days or weeks bago nawala yung kirot ng tahi ninyo kahit anong galaw ninyo? gaano katagal din bago kayo pinayagan na magtanggal ng dressing sa tahi at binder? first time ko kasi ma cs at 1 week na pero makirot parin kapag bumabangon at tumatayo kapag galing higa #advicepls
Read morepaano mapahina ang breastmilk?
nakunan kasi ako 29 weeks palang sa first baby ko. after niya matanggal sakin nagsimula agad breastmilk ko wala pang isang araw. sabi nila ipasipsip ko daw kay hubby pero ayoko naman kasi di talaga ako komportable. palakas ng palakas yung breastmilk ko halos nakakabasa na siya ng towel. baka may alam kayong way para mapahina at mawala agad. mas lalo din kasi akong nalulungkot kapag naiisip kong may breastmilk ako pero yung baby ko wala na. #pleasehelp
Read morehi ask ko lang po if may kulang pa po ba sa list ko or kung tama po ba mga nakalagay? ftm po kasi ako at di ko sure kung may mga kulang pa ba. maliban po sa mga sabon, shampoo, detergent, diapers at wipes ganon. ihuhuli ko po kasi bilhin mga yon. pero if may suggestion po kayo palapag nalang din po ☺️ #advicepls #firstbaby #firstmom edit: wala na po ang baby ko. thank you po sa mga suggestions, magagamit ko din siguro yan sa susunod. hydrocephalus po ang baby ko, decemver 28 lang namin nalaman. ngayon january 8 nagpaultrasound ako kasi parang no movement na, confirmed d3ad na daw po si baby. sobrang sakit pero tatanggapin. ang nasabi nalang ng ob ko saakin ay siguro si baby na ang kusang sumuko para hindi na kami mahirapan pa kung sakaling maipangank ko siya dahil magsusuffer din daw siya dahil sa hydrocephalus. ansakit first baby pa man din namin siya.
Read morehi mga momshie. possible pa ba mabalik yung pagiging firm ng b0obs after ng pregnancy? super saggy na po kasi akin kahit di pa ako nanganganak. sobrang nakakadagdag sa insecurity talaga kasi baka habang buhay na maging saggy. posaible pa ba siyang maging firm ulit? #firstmom #advicepls edited: about b0obs po tinatanong ko hhshaha wala naman po atang kinalaman doon kung tanggap ko ba ang pagiging nanay o hindi. tanggapin niyo rin po na lahat po tayo dumadaan sa insecurity sa katawan mapa dalaga man, buntis o nanay walang immune dyan.
Read morehi po 21 yrs old po ako and first time mom. 27 weeks and 4 days na rin ako. kakauwi ko lang galing clinic, ang sabi ng doctor may tubig daw po sa ulo si baby hydrocephalus daw po. last month na ultrasound wala namang sign ng hydrocephalus, ngayon lang siya nakitaan ng signs talaga kasi lagpas na daw yung size ng ulo niya sa normal size daw. nirefer nila ako ngayon sa pcmc sa qc. ask ko lang po kung may same case din ba sakin at anong mga dapat gawin para maiwasan yung paglala niya? bukas pa kasi kami pupunta ng pcmc pero natatakot na ako. baka may alam kayong dapat gawin#pleasehelp
Read moreano po bang tamang timbang ng 6 months pregnant? 5'0 po height ko and 55 naman weight ko. 57 kg ako noong 4months ako kaso bumaba siya netong huling check up ko. wala naman sinabi si doc na mababa timbang ko pero ayon nga daw bakit daw pababa ng pababa timbang ko e normal din naman weight ni baby. ano po ba mga dapat kainin at ilang beses dapat kumain? ilang buwan na akong nagwoworry. bawat check up ko pataas ng pataas anxiety ko kung ano magiging weight ko kasi baka bumaba na nama. nagbigay ob ko ng vitamins pero di parin tumataas timbang ko. kumakain naman ako ng mga gulay at prutas. baka may alam kayong specific foods na dapat kainin pampadagdag ng timbang. #bantusharing #pleasehelp #firstmom
Read more