hydrocephalus

hi po 21 yrs old po ako and first time mom. 27 weeks and 4 days na rin ako. kakauwi ko lang galing clinic, ang sabi ng doctor may tubig daw po sa ulo si baby hydrocephalus daw po. last month na ultrasound wala namang sign ng hydrocephalus, ngayon lang siya nakitaan ng signs talaga kasi lagpas na daw yung size ng ulo niya sa normal size daw. nirefer nila ako ngayon sa pcmc sa qc. ask ko lang po kung may same case din ba sakin at anong mga dapat gawin para maiwasan yung paglala niya? bukas pa kasi kami pupunta ng pcmc pero natatakot na ako. baka may alam kayong dapat gawin#pleasehelp

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply