paano mapahina ang breastmilk?

nakunan kasi ako 29 weeks palang sa first baby ko. after niya matanggal sakin nagsimula agad breastmilk ko wala pang isang araw. sabi nila ipasipsip ko daw kay hubby pero ayoko naman kasi di talaga ako komportable. palakas ng palakas yung breastmilk ko halos nakakabasa na siya ng towel. baka may alam kayong way para mapahina at mawala agad. mas lalo din kasi akong nalulungkot kapag naiisip kong may breastmilk ako pero yung baby ko wala na. #pleasehelp

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

As per my experience nung nagkaganyan ako 3yrs ago nung nawala rin baby ko by 8months na sa tyan ko. the next day sobrang daming gatas na tumutulo sakin. hinayaan ko lang, massage lang paikot kasi mamumuo yan at titigas yun ang masakit baka magkamastitis pag di nailabas yung naipong gatas.. nilagyan ko ng warm cloth nun para lumambot, bumili ako ng breast pads at shells para lang pansalo at pangtapal kasi ang gastos ko sa damit nun at towel laging basang basa, 2weeks na ganun, hinayaan ko lang magtulo ng magtulo. Wag mong ipump, wag mo ipasuck kay hubby kasi lalong magstimulate lang na magproduce ng milk kasi demand and supply yan kung may nadetect na magsusuck sa nipple mo, magrerelease yan ng trigger sa utak mo na magproduce pa ng milk. kusa yan hihina at hihinto.. Godbless you and stay strong! I will pray for you 🙏🙏🙏

Magbasa pa
2y ago

+1