baby essentials

hi ask ko lang po if may kulang pa po ba sa list ko or kung tama po ba mga nakalagay? ftm po kasi ako at di ko sure kung may mga kulang pa ba. maliban po sa mga sabon, shampoo, detergent, diapers at wipes ganon. ihuhuli ko po kasi bilhin mga yon. pero if may suggestion po kayo palapag nalang din po ☺️ #advicepls #firstbaby #firstmom edit: wala na po ang baby ko. thank you po sa mga suggestions, magagamit ko din siguro yan sa susunod. hydrocephalus po ang baby ko, decemver 28 lang namin nalaman. ngayon january 8 nagpaultrasound ako kasi parang no movement na, confirmed d3ad na daw po si baby. sobrang sakit pero tatanggapin. ang nasabi nalang ng ob ko saakin ay siguro si baby na ang kusang sumuko para hindi na kami mahirapan pa kung sakaling maipangank ko siya dahil magsusuffer din daw siya dahil sa hydrocephalus. ansakit first baby pa man din namin siya.

baby essentials
15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

No need na po ng safety pin o diaper clips delikado kay baby and for sure di naman lampin gagamitin mo diaper na. Iadd mo pa mga to: bed pad/under liner ginagamit yun para iwas leak sa bed. Maternity napkin o kaya adult diaper kasi for sure may bleeding after manganak regardless kung cs o normal delivery pareho may bleeding. Storage box ng hygiene supply ni baby para isahang bitbit papunta hospital Alcohol, tissue, clearbook or plastic envelope lagyan ng mga documents na kailangan pag manganganak kna.

Magbasa pa
TapFluencer

i suggest mie na instead adult diaper gamitin mo, ito ung gamitin mo. or kung my other brand ka na mas hiyang sayo.. For me, Mas maganda kasi pag napkin at lalo pa kung medyo tight ung suot mo na panty or cycling shorts para d nagagalaw. Nung nanganak kasi ako nag adult diaper ako, nagagalaw ng diaper ung tahi ko kasi hndi ko ma tight. Ung ginawa ko nag suot ako ng ganyan with panty syempre at cycling shorts. Un d na nagagalaw ung tahi ko. Pero bili ka pa din ng adult diaper mie kasi isusuot mo un habang nagle-labor ka.

Magbasa pa
Post reply image

-ADULT DIAPER (for super heavy vaginal discharge for few days.) -MATERNITY NAPKIN (after super heavy vaginal discharge, yung parang menstruation na lang. ) and always do not forget : -ALCOHOL (with 70% Ethyl Alcohol)

Magbasa pa
Super Mum

looks good to me. you can also add about 6 pieces ng birds eye na lampin that you can use as burp cloth, sapin, nursing cover and more. also a few pieces ng soft washcloth pangpaligo at panglinis kay baby

baby bag, rash cream, nasal aspirator, nail cutter, infrared thermometer, soft hair brush. pwedeng wala na po yung bigkis kasi di po advisable yan.

Receiving blanket po dagdagan mo momsh para pangswaddle kay baby. Rechargeable fan gamitin lalo na pag walang power

hello po, ano ano pong mga gamit ang dadalhin kapag u giving birth po? 1st time mom po kse ako. wala pa masyadong idea.

2y ago

May mga available videos po sa youtube pwede nyo pong reference mga nandun

Deepest condolences po... you now have your guardian angel mommy 🙏🥺

dont forget yung mga para sayo mommy, napkin, binder, maluwag na damit

ask ko lang po Ilan Araw malalaman na buntis ka after nyo mag sex