Nelle.P profile icon
PlatinumPlatinum

Nelle.P, Philippines

Contributor

About Nelle.P

Excited to become a mum

My Orders
Posts(38)
Replies(44)
Articles(0)

We tried to terminate her at 5months

I just want to share my story feel free to bash me pero totoo po yung caption. NOTE: LONG STORY AHEAD. Gusto ko lang ipakita sa mga future mommies na natatakot all the way their pregnancy that it is not worth it to abort your baby. Di ko itatago sarili ko through anonymous dahil pinagsisihan ko yung ginawa ko and i bumalik yung faith ko kay God at siguro i want you all to here me out na worth it magkababy. My baby is a fighter and God's blessing despite what happened. I am 20 yrs old nagaaral pa at breadwinner eversince ng pamilya ko. Dean's lister at active pero kasama nun ung pressure and depression lalo na sa pamilya ko. Lalo na nung nalaman kong buntis ako at takot na takot ako sa sasabihin samin ng tao. Through out my pregnancy walang araw na di ko iniyak lahat ng bigat ng kalooban ko kasi nandun ung thinking na ayaw ko na gusto ko sa baby ko. Nandun yung fear na mahusgahan ako once nalaman nilang buntis ako at yung pakiramdam na buhay at blessing yung dinadala ko. Nagend up na sa 5months ko bumili kami ng abortion pill and it took me almost a week kahit nandyan na yung gamot para inumin ito dahil natatakot ako. Sumunod ako sa lqhat ng sinabi nung pinagbilhan namin ng pills at may Group chat sila na pinapakitang success lahat ng nagtake. Bumili kami nung pinaka mahal sa lahat ng package para sure na maiabort si baby. When i took the pills nagsimula nang tumigas yung tyan ko at halos manginig ako sa sakit that time. Kinakausap ko sya habang umiiyak that time na maglet go na sya at panay ang sorry ko. Then we are expecting na within 12hrs or less lalabas sya pero walang nangyari hanggang sa kinausap ko ung binilhan ko ng pills since di ako dinugo until nung naguusap kami na naconclude niyang closed cervix ako. Natakot ako nun kasi di ko sya mailalabas incase na namatay sya sa tyan ko at nagpapanic na kami nun ng boyfriend ko dahil nilalagnat na ako. Lockdown that time kaya di rin kami makalabas para pumuntang ospital then 3 days tumitigas lng tyan ko without movement ni baby. Umiiyak na ako nun at nagpepray sabi ko kay God sya na bahala samin lumalapit ulit ako after years i lost faith. Ganun pala pag wala ka na malapitan you'll open up to God again. Sabi ko bigyan lng niya akong sign kung akin talaga si baby sana wag mawala aayusin ko lahat. Then after that one sign na yung biglang nagGCQ sa lugar namin nakapagpacheck up agad ako. I took several test at nagaalala ako nun but God is good kasi nung kinausap na ako ng OB ko tungkol sa test sinabi niya na makapal sac ni baby at madami akong tubig at healthy si baby. Pero nandun parin ung pagalala na baka magkadeperensya sya pero sabi ko tatanggapin ko kasi siguro magiging karma ko yun sa ginawa ko. Pero praying ako na sana wag magkadeperensya si baby at binigyan ako pampakapit. Nagvitamins ako at everything. I made things right. Nagsabi ako sa parents ko at ganun din ang boyfriend ko. Nakatanggap kami ng pagalit pero sinuportahan nila kami. Marami akong narinig pero pinalampas ko sa tenga ko. Masakit lalo na pag sa relative galing pero wala akong pake kasi focus ako sa baby ko. Bumawi ako kay baby binili ko sya ng gamit galing sa ipon ko at blessed ako na excited din ang parent ko at mga kapatid ko kaya binilhan din nila ng gamit si baby. Until Sept. 6 came na lumabas panubigan ko deretso ospital na kami pero no sign of labor pa. Nagaalala ako nun kay baby kasi sa ultrasound paubos na tubig niya kaya maya't maya check ng heartbeat niya pero fighter sya dahil malakas heartbeat niya and still kicking. Inabot kami ng 2 days dahil sa walanghiyang doctor ko na saka lng ako inesched ng CS dahil saka lng nafree schedule niya. Yet thankful ako on Sept 8 dahil lumabas sya na healthy despite ng pinagdaanan niya. Everytime na tinititigan ko sya naiiyak parin ako pag naiimagine ko na what if tumalab ung gamot at nalaglag sya? Parang ang sakit sa kalooban makita sya na walang buhay. Kasi nung umiyak at nasilayan ko sya paglabas niya sobrang saya sa pakiramdam. Super worth it sya and i fell inlove with her.nagpapasalamat ako kay God that time kasi di niya kami pinabayaan kahit gumawa akong kasalanan. Naging masaya din ako sa journey ko sa app na to kasi while pregnant ako nakikita ko yung cute babies na kapapanganak palang at naappreciate ko yung saya nila at naexcite ako maranasan makita yung kabiyak ng buhay ko. Meet my Baby Girl she's Zainaya Yloise. Now she's turning 3 weeks but still i can't get enough of her gaze. I love her so much!!!

Read more
We tried to terminate her at 5months
 profile icon
Write a reply