Walker @4months

Mga momsh okay lang po ba na magwalker na si LO ng 4months wala po kasi sya interes sa pagdapa gusto niya lagi nakatayo. Ayaw niya nakastroller gusto niya nakakagalaw sya kaya nilagay namin sa walker at after 2 days di na namin sya nilalagyan ng support na unan or tali sa dibdib kasi nababalanse na niya katawan niya at nakakapaguli na sya sa hopping motion niya at hindi pedal. Masyado na kasi syang curious sa paligid. P.S katatanggal lng niya dyan ng medyas kasi ayaw niya ng nakamedyas naiinitan paa niya

Walker @4months
19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May mga nabasa and napanuod ako video clips na hindi daw po recommended na magwalker. Much better na kusa nila matutunan maglakad. Better ask your pedia po para lang sure. Baka kasi may effect sa development ni baby

Super Mum

what i would sugges is bigyan si baby ng safe space para makaexplore, magroll over, crawl etc..mga milestones po kasi yun na makakatulong sa pagdevelop ng body ni baby to prepare for walking

I suggest yung walker na rattan, mas okey iyon kasi si baby mismo maglalakad kesa sa walker na may gulong. Pero wag muna kung 4months. Masyado pa po maaga. Baka mapilayan baby. Kakatakot.

VIP Member

gnyan po baby ko @4mos. wlang interes dumapa at galit n galit pag nilagay s stroller pero pag pinatayo sya sa upuan na may sandalan gustong gusto nya..pero d ko pa po sya pinapa gamit ng walker.

4y ago

same po tayo,4 mons. and half pinagwalker q na po kaso minutes lang po .. gusto po niya laging nakatayo .. 5 mons. na sa feb 2.. pabackward sia sa walker.. 😁😅

VIP Member

Mommy same baby natin. May "walker time" lang siya pero di ganun katagal kasi bawal daw mag walker if di pa nakaka sit on his own eh. Yung weight daw kasi wala sa legd, nasa hips 😊

marami po akong napanuod na pedia na hindi nirerecommend ang walker para sa mga baby, lalo lang daw nakakadelay ng paglalakad yun. and mas better kung gagapang gapang po sya

VIP Member

Mommy Mas better if wag na muna, nakaka delay po kasi sya ng paglalakad and for safety na rin ni baby , tska d po sya recommended ng mga pedia.

VIP Member

Check niyo po sa pedia. May signs silang tinitignan kung kaya na ba ng baby katawan nila. And sa ngayon po di na nila inaadvise ang walker.

VIP Member

ano po sabi ng pedia mamsh. pero baka kasi mabigla yung buto ni baby di pa sya ganun katibay.

VIP Member

wag po iskip qng crawling stage important po yun sa over all development ni baby