We tried to terminate her at 5months

I just want to share my story feel free to bash me pero totoo po yung caption. NOTE: LONG STORY AHEAD. Gusto ko lang ipakita sa mga future mommies na natatakot all the way their pregnancy that it is not worth it to abort your baby. Di ko itatago sarili ko through anonymous dahil pinagsisihan ko yung ginawa ko and i bumalik yung faith ko kay God at siguro i want you all to here me out na worth it magkababy. My baby is a fighter and God's blessing despite what happened. I am 20 yrs old nagaaral pa at breadwinner eversince ng pamilya ko. Dean's lister at active pero kasama nun ung pressure and depression lalo na sa pamilya ko. Lalo na nung nalaman kong buntis ako at takot na takot ako sa sasabihin samin ng tao. Through out my pregnancy walang araw na di ko iniyak lahat ng bigat ng kalooban ko kasi nandun ung thinking na ayaw ko na gusto ko sa baby ko. Nandun yung fear na mahusgahan ako once nalaman nilang buntis ako at yung pakiramdam na buhay at blessing yung dinadala ko. Nagend up na sa 5months ko bumili kami ng abortion pill and it took me almost a week kahit nandyan na yung gamot para inumin ito dahil natatakot ako. Sumunod ako sa lqhat ng sinabi nung pinagbilhan namin ng pills at may Group chat sila na pinapakitang success lahat ng nagtake. Bumili kami nung pinaka mahal sa lahat ng package para sure na maiabort si baby. When i took the pills nagsimula nang tumigas yung tyan ko at halos manginig ako sa sakit that time. Kinakausap ko sya habang umiiyak that time na maglet go na sya at panay ang sorry ko. Then we are expecting na within 12hrs or less lalabas sya pero walang nangyari hanggang sa kinausap ko ung binilhan ko ng pills since di ako dinugo until nung naguusap kami na naconclude niyang closed cervix ako. Natakot ako nun kasi di ko sya mailalabas incase na namatay sya sa tyan ko at nagpapanic na kami nun ng boyfriend ko dahil nilalagnat na ako. Lockdown that time kaya di rin kami makalabas para pumuntang ospital then 3 days tumitigas lng tyan ko without movement ni baby. Umiiyak na ako nun at nagpepray sabi ko kay God sya na bahala samin lumalapit ulit ako after years i lost faith. Ganun pala pag wala ka na malapitan you'll open up to God again. Sabi ko bigyan lng niya akong sign kung akin talaga si baby sana wag mawala aayusin ko lahat. Then after that one sign na yung biglang nagGCQ sa lugar namin nakapagpacheck up agad ako. I took several test at nagaalala ako nun but God is good kasi nung kinausap na ako ng OB ko tungkol sa test sinabi niya na makapal sac ni baby at madami akong tubig at healthy si baby. Pero nandun parin ung pagalala na baka magkadeperensya sya pero sabi ko tatanggapin ko kasi siguro magiging karma ko yun sa ginawa ko. Pero praying ako na sana wag magkadeperensya si baby at binigyan ako pampakapit. Nagvitamins ako at everything. I made things right. Nagsabi ako sa parents ko at ganun din ang boyfriend ko. Nakatanggap kami ng pagalit pero sinuportahan nila kami. Marami akong narinig pero pinalampas ko sa tenga ko. Masakit lalo na pag sa relative galing pero wala akong pake kasi focus ako sa baby ko. Bumawi ako kay baby binili ko sya ng gamit galing sa ipon ko at blessed ako na excited din ang parent ko at mga kapatid ko kaya binilhan din nila ng gamit si baby. Until Sept. 6 came na lumabas panubigan ko deretso ospital na kami pero no sign of labor pa. Nagaalala ako nun kay baby kasi sa ultrasound paubos na tubig niya kaya maya't maya check ng heartbeat niya pero fighter sya dahil malakas heartbeat niya and still kicking. Inabot kami ng 2 days dahil sa walanghiyang doctor ko na saka lng ako inesched ng CS dahil saka lng nafree schedule niya. Yet thankful ako on Sept 8 dahil lumabas sya na healthy despite ng pinagdaanan niya. Everytime na tinititigan ko sya naiiyak parin ako pag naiimagine ko na what if tumalab ung gamot at nalaglag sya? Parang ang sakit sa kalooban makita sya na walang buhay. Kasi nung umiyak at nasilayan ko sya paglabas niya sobrang saya sa pakiramdam. Super worth it sya and i fell inlove with her.nagpapasalamat ako kay God that time kasi di niya kami pinabayaan kahit gumawa akong kasalanan. Naging masaya din ako sa journey ko sa app na to kasi while pregnant ako nakikita ko yung cute babies na kapapanganak palang at naappreciate ko yung saya nila at naexcite ako maranasan makita yung kabiyak ng buhay ko. Meet my Baby Girl she's Zainaya Yloise. Now she's turning 3 weeks but still i can't get enough of her gaze. I love her so much!!!

We tried to terminate her at 5months
19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa lahat ng problema, paghihirap, sakit ng nararamdaman mo, pressure from your family and depression. Isang bagay na hindi mo dapat gawin ay ung tapusin ang buhay mo o katulad ng nagawa mo na abortion. Lagi mong isipin sa lahat ng problema at paghihirap na nangyayare sa buhay mo may kapalit yan na blessings at masasayang bagay na sayo inilaan ni God. Tandaan mo lang na kahit anong hirap ng buhay anjan palagi si God para tulungan ka, hindi nia ibibigay ang isang pagsubok kung hindi mo kaya. Ung mga problema na dumadating, challenge sayo ni God yan kung gaano katatag ang faith mo sa kanya. Lagi kang lumapit sa kanya in times of difficulties and most especially always thank God for all the blessings He gave you. Lalo na ang baby mo. 😊

Magbasa pa

Ako kaka Graduate ko lang nung nalaman kong buntis ako kaka start ko lang sa work as HR Officer, 21 Palang ako, di pa ko nakaka tulong sa family ko ng lubos sobrang stress ko nun, To the point na nasabi ko wag na sya mabuo, 4Months na dipadin alam ng Parents ko Hanggang sa nahuli nalang ni mama yung Baby’s book ko at Ultrasound , Tinanggap nila agad kasi unang apo, Sorry ako ng Sorry kay Lord nun tas kay Baby, Now 9Months nako Sobrang thankful ako kay Lord di nya kami pinabayaan, At binibigyan nya ko ng Lakas Yung baby ko yung Lakas ko ngayon, Yung trabaho andyan lang yan May chance pako mag earn ng Money pero si Baby? Isang beses lang ibibigay ni Lord yan, Nasayo kung i ki keep mo ❤️ Trust the process

Magbasa pa
4y ago

I know momsh and it is really worth it ❤❤

God is Good. Hindi po tayo bibigyan ni God ng bagay na hindi natin kaya 1 was only 18 nung nabuntis ako ganyan din inisip ng boyfriend ko noon asawa ko na ngayon :) pero sa tulong ni God nakaya namin ngayon mag 2 na anak namin God bless sainyo ni baby mo patuloy mag dasal may magandang plano si God sa lahat ng nag mamahal at nag titiwala sa kanya 😊

Magbasa pa

congrats mommy! very inspiring un story mo... I hope mabasa lht yn ng nagiisip ipa abort baby nla... promise akala mo mggng problema? pero it will all turn into a blessing! gift ksi yn ni Papa Jesus kya accept ntn at mgng thankful pa tau...

Congrats mommy☺ . kabirthday pa nya si mama mary🤗 same age tayo and dami ko rin naisip nun nakakastress kase graduating na. Pero walang regrets talaga nung unang kita ko sa baby ko😍 and now he's 8 months na super likot🙂

4y ago

Yes momsh napakadaming sign na sakin talaga sya kasama yan sa sign na she is really a blessing dahil kabirthday niya si Mama Mary

VIP Member

Salamat po at ipinagpatuloy mo na buhayin siya.😇Kasi hindi lahat binibigyan ng chance na maging ina. God bless sa inyo ni baby. Stay safe po. 👼💕💕

awww...nakakaiyak but very inspiring ang story mo mommy ❤ good thing hindi bumitiw si baby & she's healthy. Godbless ❤

Congrats mommy!! Napaluha ako 😊 your story is very inspiring. God bless you both! Napakastrong ng baby mo! 🥰

napaka ganda po ng baby nyo. buti po nag bago ang isip mo. God bless both of you po.

congrats😊continue to love your baby momsh. Malaking blessing yan sa buhay mo.