Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mom of two monkeys ??❤ please do visit https://daybydaywithjacque.home.blog
Centrum
Hi mommies! Sinong umiinom ng centrum dito? Maganda ba effective? Please mention your effective multivatamins. I'm a user of USANA cellcentials, however, ang daming gastos, di ko na maisingit sa budget. :( But I heard that centrum is good naman. Tingin nyo?
Laundry
Hi mommies! Kapag busy kayo, prefer nyo ba magpa laundry or especially kung tag ulan? Or mas gusto nyong kayo na lang ang maglalaba despite of the events? Thanks.
need to be reminded
paano if si asawa mo, bihira mag open up about wedding? i mean, we've talked about it before na, hindi pa maisingit kase uunahin muna ang kids, but then may mom and his mom would always tells us na kahit civil na lang, mura lang daw naman. but then, time and time past and again, hindi na namin inoopen especially him. parang ang awkward for kung ako ng ako lagi ang magreremind. anyway, ganun kase ugali nya. dapat ireremind lagi, to the extent na akala mo wala syang mga plano. kase di sya nagsishare unless maopen up mo or tanungin mo sya. :(
Pihikan sa kanin
hi mommies! si baby 2 years old na pero ang hirap pakainin ng kanin na may sabaw ng gulay. pinapakain namin minsan rice with noodles at sa umaga oats na may rice na may milk. other than that, wala na. any suggestions? amoy pa lang ng sabaw ng gulay, or isda na may sabaw ayaw na nya agad eh. hirap pakainin!??
Gerber
Hi mommies! sinong nakatry magpakain ky baby ng gerber and yung gerber juice?
MIL
mommies, anong mararamdaman nyo kapag alis ng alis ng bahay si MIL? yung tipong minsan kailangan mong iwan sa katulong ng kapitbahay nyo baby nyo kase kailangan mo pang magsundo naman sa school. Minsan aabsent na lang sya kase mas priority nya talaga lakad nya. been dealing with this since kinder yung daughter ko. Now na grade 1 na sya, mejo minimal na absences na lang but the cycle is still the same. nalulungkot ako kase never ko syang nakitaan ng excitement at pagkagusto sa pag alaga ng mga apo nya. for the record, she once told me na tapos na daw sya sa ganitong sitwasyon.???
Mother in law
how Will you react if your MIL blocked you on Facebook??
Vitamins
Since kababalik ko lang sa app na to, ang dami ko talagang tanong. pasensya na po? yung baby ko ayaw uminom ng kahit anong vitamins mga mommies. ano kaya pwede gawin? nakakastress. ayaw nya din kumain ng rice or lugaw. ?
Ayaw ng rice.
Hello mommies! yung baby ko mag to-two na pero ayaw talaga kumain ng rice or lugaw. ayaw na din gaano kumain ng cerelac. gatas lang ng gatas. ?
Mr Super grumpy
Hi mommies! sinong nakakarelate? kapag bagong gising si baby grabe. super grumpy! inuuntog ulo nya sa ulo ng taong kakarga sa kanya. even kahit my tantrums lang sya, iuuntog talaga sa simento ulo nya. My baby is a boy and turning 2 na this November. mejo stress ako kase ang daming bisyo. huhu! pinapaligo gatas, binubutas diaper. (aray ko po?)