Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
A mother of a cute little boy
Paminsan minsang ubo
Inuubo po minsan ang aking baby na mag to two months palang. Pa minsan minsan lang naman po na ubo. Normal lang po ba to? Wala po ba akong dapat ikabahala?
Stretch mark remover at binder
Okay na po bang gumamit na nang stretch mark remover? Cs po ako at 1 month pa lang po. At minsan po di po ako gumagamit nang binder kasi ang kati po kasi ehh. Okay lang din po na di gumamit ng binder whole day?
Cesarean Section
Good day! Just wanna ask lang po sa mga na CS na mga mumshies kung gaano kayo katagal nag de-dressing since tinanggal yung tahi niyo? Then gaano din katagal kayo gumamit ng binder? And lastly, hanggang kelan nawala yung hapdi? Thank you po sa mga sasagot. 😊
CLOSE CERVIX
May discharge napo ako kaninang madaling araw around 4 am (parang sipon po siya na may halong dugo) pero walang akong maramdaman na pananakit ng tiyan. Tas kaninang mga hapon around 3 pm kay pumunta na kami sa ospital kasi namimilit yung mama ko kasi nga di raw lahat ng manganganak ay makakadama ng pananakit ng tiyan, panganay pa naman daw. Prevention is better than cure kasi nga daw. Tapos pag punta namin sa ospital ay pinabalik lang kami kasi close pa ang cervix ko. Ano bang pwedeng gawin para ma open siya? I'm currently 39 weeks and 5 days.
DISCHARGE
39 weeks and 5 days. Nagka discharge na po ako kaninang madaling araw pero di pa sumasakit ang tiyan ko. Sabi ng sis-in-law ko ay pag sumakit na talaga yung tiyan ko kay pupunta na raw agad kami sa ospital. 1st timer po kasi ako.
STILL NO SIGNS OF LABOR
39 weeks and 6 days pero wala pang signs of labor. Hope lumabas na si baby at safe sana kami.
IN JESUS NAME!
Ako lang ba ang nakakadama ng takot o kaba habang papalapit due date? EDD: Aug. 10 Sa ngayon kasi napapaginipan ko na namatay daw ako pagkatapos ng panganak ko. May panaginip din ako na may batang nagsabi sa akin na mamatay ako. Ewan ko ba! Basta natatakot ako. Siguro dahil sa takot ko, napapaginipan ko ang mga ganyang klaseng panaginip. Tiwala nalang sa Maykapal dahil walang impossible sa kanya. 😇
PhilHealth issues
Hello po mga moms. Just wanna ask kung makaka avail ba ako ng PhilHealth kung manganganak na ako? May MDR napo ako tapos indigent pero yung effectivity ko ay nag end na last year. Sabi nung babae sa information desk ay sa LGU ko nalang daw kunin yung renewal pero di ko pa nakukuha kasi malayo yung lugar na nakalagay sa MDR ko. Di ako makapunta dun dahil sa lockdown.
FERROUS SULFATE + FOLIC ACID
Anong ginagawa niyo pag umiinom nito? Di ko talaga makaya yung lasang bakal ehh. Napapaiyak nalang ako.
Just askin'
Hey mommies! First time ko pong magbuntis. Sabi ng mga nakakatanda na bawal daw matulog pag umaga kasi daw nakakalaki daw ng baby. Totoo po ba? Pero natutulog lang naman ako kung inaantok ako minsan at kung wala ng trabaho sa bahay. I do household chores even lifting heavy things.