bakit nagbago si baby?

Mga mommies.. si baby ko po humina magmilk.. mixed feeding po ako sa kanya.. 3 days na pong ayaw nya dumede sa bote.. usually po kaya nyang ubusin yung 4oz pero ngaun kahit 1oz ayaw nya gatasin tingin ko inaayawan nya ung nipple ng bote kaya searching po ako ngaun ng replacement..pigeon peristaltic plus ang teat ng ppsu bottle nya meron ding options plus na dr browns pero didikit pa lang sa lips nya ung teat e niluluwa na ng dila nya.. napansin ko din po humina din breastmilk supply ko.. pati si baby humina din magdede at tulog lang sya ng tulog.. normal lang po ba ito sa growing baby o dapat na akong magworry? Sa may 1 pa po visit namin sa pedia nya at d po nagrereply today si doc.. 2months and a half month old po si baby..first time mom po..

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

sa palagay ko po nagkakaroon na ng nipple confusion si baby. kapag ang baby po ay tulog ng tulog, halimbawa, 1 hour sleep, 30mins gising then sleep na naman, it can be a sign of dehydration. try niyo po purely ibreastfeed si baby sa mga susunod na araw. subukan niyo po munang itabi mga bote niya. be well hydrated mummy para maging well hydrated din si baby. try to drink at least 3 liters a day. pwede ring 500ml before breastfeeding and 500ml after bf. bantayan pong mabuti si baby. praying for you and your baby po.

Magbasa pa