Due date ko na bukas..still no sign of imminent labor

Date posted: Feb 11, 2020 Due date ko na bukas.. still no sign of imminent labor I walk every morning and afternoon.. 30 to 40 mins.. 20 squats ang interval sa every 10 min walk.. 6 to 10 dates fruit ang kinakain ko every morning.. Ngayong araw binilhan na ako ng pinya, kakainin ko mamaya.. first baby ko ito at excited na ako pero mejo anxious din.. sa feb 13 ang balik ko sa obgyne ko for possible labor induction just in case hindi pa ako maglabor hanggang bukas.. Gustong gusto ko ng makarga, mayakap at mahalikan si baby.. ❤ Update> 4pm pansin ko parang madalas ang pagtigas ng puson ko.. halos every 10 mins.. naglalakad lakad ako ngayon habang kumakain ng pinya.. Update> 8:56pm nanonood ako ngayon, pansin ko mas madalas ang pag ihi ko.. ganun pa din halos every 10 mins tumitigas tiyan ko.. 10pm matutulog na ako, nafifeel ko malikot pa din si baby pero parang mas malambot galaw nya ngayon.. ihi muna ulit bago matulog Update> Feb 12, 2020 exactly 12am nagising ako kasi nangawit na ako sa pwesto ko sa paghiga at parang masakit puson ko.. change muna ako ng side pero naiihi ako kaya babangon muna ako.. 12:21 am masakit pa din puson ko para akong magkakadysmenorrhea.. sign na ba ito na malapit na akong manganak? Di ko naman nararamdaman na humihilab na tyan ko.. si baby sinisinok.. gumagalaw sya at mejo masakit hehe masikip na kasi talaga sa loob tapos tumitigas ulit tyan ko.. parang natatae ako.. parang kelangan ko umutot hehe..sleep muna ako ulit.. baka excited lang ako..? 4:48am nagising ako masakit talaga puson ko at natatae ako.. umaga talaga ako usually nagpopoop.. lagi akong nagigising kanina every hour yata yun dahil ramdam ko na masakit puson ko at sinasabayan ng pagtigas ng buong tyan ko.. tingin ko naglelabor na ako.. yung pain same pa din parang rereglahin lang pero may pressure na sa pelvic bone ko.. gumagalaw si baby..

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan dn ako umabot ng due date ko na induced ako hanggang 1 cm lang ako. Sana mommy ikaw makisama si babay hehe. Pero sabi nila pag first baby daw nagbabayad ng 41 weeks to 42 weeks bago lumabas pero mas maigi na lagi monito kay OB para namomonitor kung may amniotic fluid pa and di pa nakapoop si baby mo

Magbasa pa
5y ago

Nainormal nyo po ba? O na cs kayo?