Chey profile icon
GoldGold

Chey, Philippines

Contributor

About Chey

Soon to be mom. ❤️???

My Orders
Posts(26)
Replies(12)
Articles(0)

Finally! ❤️😊 Edd July 13 but DOB July 1 ❤️

FTM❤️ Nakaraos narin mga miie. Worth it pala talaga lahat...as in lahat lahat! 🥰 Sharing my journey mga miie. Grabeh! Bedrest ako ng 35w until 37w. Pinayagan nalang ako ni Ob na maglakad lakad nung nag meet kami ng ika-37w and 2d ko. IE na ako nun pero close cervix pa daw talaga although may mga pain narin kaya sa isip ko baka nasa 1cm na pero wala pa tlaga, mataas pa si baby. Di rin ako masyado na makalakad ng matagal nun kasi nagmamanas na ako, dali hingalin at mapagod, lagi masakit balakang at naulan pa lagi sa hapon gang gabi. Nkakapaglakad man ako, un ay pagbibili ako ng malulutong ulam at asikaso sa bahay. We're also advised na mgcontact pero ayaw ko, may pain na talaga. Kaya sabi ko, pano ko mailalabas si baby ng di umaabot ng 40w onwards kung di ko msyado tatagtagin ung sarili ko. Kaya lagi ako nagpepray na Diyos na bahala sa amin, at kung talagang lalabas naman na si baby, lalabas na talaga kahit di man ako ganun matagtag masyado. At my 37w and 6d ng gabi, may pagkirot na ako sa puson at balakang na nararamdaman. Halos di narin ako makatulog at napapainda pag magpapalit ng position kasi masakit talaga. The next morning (thu) , napansin kong may blood sa ihi ko, and my pain na interval is between 40mins - 30mins...may dugo ulit na nalabas sa akin and pagdating ng hapon, tumitindi na ung pain pero tolerable pa naman. At 38w and 1d (Fri), mas madami ng blood ang nalabas and ung pain mas tumitindi na at interval is 25-15mins. Pag dating ng tanghali, pain interval nasa 15-10mins na at sobra narin talaga ung pain. Sabi ng ob, observe ko daw pag ang interval is 10mins then mas bumababa pa, pwede na akong magpa-admit. Pagdating ng gabi, di ko na talaga rin kaya ung pain, nasa 10mins - 5mins na interval at nGpapamassage narin talaga ako ng balakang at naiiyak narin ako sa pain. Kaya at 10:20 pm,nagpasugod na ako sa hospital. NST and fill up ng forms. 12mn, na IE - 2cm palang daw pero ung pakiramdam ko baka nasa 4cm na. Swero na ako and nst parin. Tinanong ako if kaya ko maglakad lakad, sabi ko- kaya naman po pero pag in pain, need ko po magstop, kaya di narin ako pinaglakad lakad. Nakahiga lang talaga ako, At 2am, IE - 2-3cm na. Ito na ung pain, sobrang pain na talaga habang tumatagal kaya naging every 1hr na ang IE. At pag di ko n daw kaya baka ma-CS ako lalo na ilang cm palang. Pero grabeh! Sobra na iyak ko dito mga miie at di ko mapigilan maisigaw ung pain ko. Kasi interval n ng sakit nasa 5mins - 2mins na matindi ung sakit, kaya panay ako pray, kausap kay baby at hilot sa balakang ko. (Take note: Dito pala sa private hospital, sariling tiis ka wla kang katuwang, magdusa ka mag-isa ai.,di kasi pwede pumasok sa OR na kahit sinong ksama kaya mas mahirap kahit man lang sana si hubby para taga-rub lng ng balakang kasi nakaka-ease ng pain.) 3am: 3cm -4cm an as per ob, 4am: 4-5cm na. Ung pain, di ko na matiis ai. Nasisigaw na talaga ako (SOOOOBRANG HIRAP PALA TALAGA MAG LABOR). Every pain, nasisigaw na talaga ako ng di ko na kaya. Sabi sakin, hinga lng daw ng malalim pero hindi enough un kasi iba talaga ung pkiramdm mga miie. May sedatives narin na tinusok sa akin para daw makaidlip ako at makapagpahinga pero walang talab ung injection-mas matindi ung pain. Sabi pa sakin, hingi Then mga 4:20am napupoop na talaga ako. Sinamahan ako cr pero kinakabahan siya at baka daw baby malabas ko sa bowl., sa bed nalang ako. Sa isip ko, sa sheet nalang kasi di nmn ako kampante sa nilagay nyang "bed pan" ang taas naman kasi. Ahhahha. Tapos pag umiire ako ng poop, pkiramdm ko may nalabas din sa pengpeng ko. Panay na ako prayers at Kinakausap ko narin baby na 'hirap at pagod na ang mama, sana kayanin ko pa ung pain lalo na iire pa ako baka maubusan narin ako ng lakas.' at exactly 5am, 10cm na ako. (Praise God at thank you kay baby kasi lalabas na talaga siya para matapos narin ung pain). Transfer na ako sa delivery room, niready at may tinusok ulit sa braso ko makakabawas ng pain. After a min, parang medyo nahihilo na ako at nawawalan ng ulirat dahil sa injection at pagod narin. Inantay lang saglit ung ob ko talaga. Nung dumating, punit na sa pengpeng (ramdam ko pero di ganun kasakit) kasi mas matindi ung eagerness na lumabas na si baby at Umire ire narin after and at 5:35 am, nakalabas na ang baby. Nung narinig iyak ni baby at pinatong sa may tiyan ko-hinawakan ko siya and nakatulog na ako nun until pag gising ko, may hilo pa at wala pa sa ulirat. Nasa recovery room na pala ako nun. Pinadede rin pala sa akin si bebe pero di ko na un naramdaman. Nung nakita ko siya, grabeh! Nawala lahat ng hirap at pagod ko. Maiiyak ka nalang talaga sa sobrang tuwa at pasasalamat ai. Need tlaga ng prayers mga miie and kausapin baby. ❤️😊💖 At totoo nga pag narinig mo iyak ni baby, worth it lahat. God bless po sa lahat.

Read more
Finally! ❤️😊 Edd July 13 but DOB July 1 ❤️
 profile icon
Write a reply