Birthclub: Hulyo 2023 icon

Birthclub: Hulyo 2023

37.4K following

Feed

Validate feeling of a mom?

Mga mommy may baby boy ako na 2 months old today at CS Delivery ako sa kanya nung July this year. Kinuha namin ng asawa ko ang mother in law ko para umalalay sa amin sa bahay at pag aalaga ng sanggol at least 3 months hanggang October. May toddler boy din ako na 2 years old. Ang mother in law ko ay nagrequest sa amin ng asawa kong lalake na-alagaan si baby 2 months old sa San Andres Bukid (sa bahay nila) after niya manilbihan sa amin sa Tondo. Ang sinasabi ko palagi sa asawa ko, since wala naman akong mabigat na trabaho, housewife lang, nagma-manage lang din ng business namin, kaya kong alagaan yung dalawa kong anak. Mapagmahal ang asawa kong lalake, mabait sa asawa at magulang. Good provider. Maka-Diyos. Ang asawa kong lalake ay pumapayag na ipa-alaga sa nanay niya ang baby namin na 2 months old, ako lang daw ang may ayaw pumayag. Since hindi naman daw dumedede ang baby sa akin (bottle feeding). Failure to thrive ako sa mga padede moms dahil mahina ang breastmilk ko ngayon kung kaya't nag Enfamil A+ na lang si baby. May "Takot" akong nararamdaman dahil malayo ang Tondo sa San Andres at hindi ko alam yung araw2x na magiging kaganapan sa baby. Alam kong aalagaan naman ng maayos yung anak ko at napalaki naman ng maayos yung asawa ko pero nandoon parin yung takot eh. Minsan may naiisip ako.. How can they protect and feed my baby? What style of parenting can they give? Lalo na yung mother in law ko sa amin lang ng asawa ko umaasa ng kanilang monthly housing, meralco, tubig at food allowances nila sa San Andres. Majority ang pamilya ko ang tumutulong sa mga anak ko sa pang gastos sa hospitals, medicines at vaccines ng mga bata pati pang-gatas. Validated po ba feelings ko mga mommy? Kung kayo po ang nasa kalagayan ko, ano pong masasabi ninyo. Any suggestions po.

Read more
undefined profile icon
Write a reply
Load More Posts