(Late Upload) EDD: MARCH 28, 2021 DOB: MARCH 12, 2021 TIME OF BIRTH: 4:23 PM NORMAL/CS: EMERGENCY CS WEIGHT: 2.7KG CRAVINGS: Bayabas & sweets GENDER: BABY BOY NAME: MARKUS TERRENCE March 12, 2021 7am in the morning saktong may check din ako. May naramdaman akong lumabas sakin. Nagtaka na ko non, kasi hindi naman sya usual lang na discharge kasi nabasa yung undies ko and shorts ko. So sinabi ko agad sa partner and parents ko kaya nagdali dali na kami pumunta sa ospital kung san ako manganganak. Sabi ng ob ko, panubigan na daw yun pero close cervix pa din ako. Kung ano ano ng tinurok sakin para humilab ang tyan pero walang epekto. Tinatawanan na ko ng mga nurse ko kasi nakukuha ko pang tumawa habang nag lelabor hahaha as in wala talagang sakit kahit may pang pahilab na. Edi ang nangyare emergency cs kasi lumabas na panubigan pero close cervix pa din after 8hrs. Thank you Lord at hindi mo kami pinabayaan ng anak ko 🙏🏻 Di namin expected ng partner ko na mabibigyan kami kami agad after a year ng isang baby boy 🥰 After ng miscarriage ko ng 2019, ito na ngayon at may healthy 6th months baby boy na kong karga karga 🥰🥰🥰 #proudCSmom #1stimemom #HappyMom
Read moreHi mga mamshie. May tanong po ako sana may makasagot. Last February po kasi nakuha ko ng buo yung mat benefits ko, then nag mat leave ako ng March1 to June13. Then balik work ng june14. Pero ang nangyare, 2 cut offs ako walang sahod. Ang sabi ng accounting dept. Deducted daw yung sahod ko sa nakuha kong benefits. Ask ko lang mga mamshies, tama po ba yun? E diba yung mat benefits e galing mismo sa sss at hindi sa company? TYTA #pleasehelp #advicepls
Read more