First time mommy 🥰

Medyo naguguluhan lang po ako sa naging result ng TransV ko. Kasi may nakalagay po sa itaas na 8weeks pero sa result 6weeks. Last mens ko po kasi June 6. So ang bilang ko is 9weeks na. Tama po ba? Pero sobrang saya ko kasi after ng miscarriage ko last Year ng May. Biniyayaan ulit kami ng little one 😍 sobrang excited at kinakabahan ako. Maraming salamat talaga kay Lord. Sana maging healthy ang little one ko 😍 Sa mga first time mommy din po dyan, congrats saating lahat and good luck saatin. Keep safe 🥰

First time mommy 🥰
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Nasan ung results na may 6 weeks?

4y ago

Mamsh, inedit post ko po. Sinama ko sa pic.