Share ko lang.

Yung sobrang sama ng loob mo kase pag galit ka di man lang dun mas lalo magfocus sayo o mas kausapin ka. Lagi ko naman pinapayagan maglaro si hubby mahilig kase sya sa online games, di ko naman binabawalan kase pagod na sa work pamparelax nya yon. Sinasamahan ko pa nga sya minsan maglaro, tapos yung kailangang kailangan mo ng kausap nasa work pa sya break time naman nya alam nya nagtatalo kami mas pinili nya maglaro. Pero sinabi ko nalang enjoy sya sa game ayoko nalang pahabain pero nalulungkot na talaga ko hays. Hirap pag buntis bukod sa emotional ka, di mo na nga maintindihan sarili mo wala pang iintindi sayo. Tapos sa bahay ka lang hayyy.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dapat marunong magbalanse ng oras yung hubby mo. Tulad ng sakin, blessed naman ng sakin kasi oo naglalaro din ng games like ps4 yung hubby ko pero hindi sa lahat ng oras. May baby pa kaming isa pero mas nilalaanan nya ng oras ang pag aalaga kay baby pag may time sya lalo pag galing sa trabaho. Tapos tumutulong sya sa gawaing bahay namin. Nagpapaalam pa nga sya sakin na maglalaro lng muna daw sya, kahit no need na syang magpaalam kasi enough na enough yung pagtulong nya sakin sa baby at sa gawaing bahay. Turuan mo nalang po sya momshie na magbalance ng time nya, ayaw din naman natin na pinagbabawalan yung gusto nilang gawin, dba? Mag usap ng maigi at mahinahon. Yun lng naman susi sa pagkaka ayos ng family, ang communication. 🙂

Magbasa pa