Mga Momsh I need Advice Kasi Ayokong Tumira Sa Bahay Nang Mother In Law Ko.

Yung husband ko, di pa kami kasal legally. Pero ngayon 3 months pregnant ako sa Province ako nagsstay kasama Ate ko. Okay naman ako dito, I'm free to do things that I want, walang bawal bawal. Samantalang nung last year nag try ako magwork sa Manila kaya naisip nang husband ko na doon muna ako sa bahay nila, di naging pleasant experience ko sa bahay nila. Ang daming sumbat nang magulang niya, eh nagaabot naman ako nang pera, ayaw tanggapin baka daw isumbat ko pa ung pag abot ko nang pera. So ang ending pakielamera Mom niya sa lahat nang bagay example: paglalaba, pagluluto ko, paglilinis nang kwarto namin. Lagi niyang sinasabi na mali yung way ko of doing things, I've been doing these things since teenager ako at tama naman ginagawa ko ngayon 26 na ko pero kung magsalita siya parang 18 lang ako. ? Maaga namatay Dad ko at buhay pa Mom ko, so napilitan kami nang Ate na na mag mature nang maaga at maging independent. A trait na namana ko sa Dad ko, the thing is no one taught me how to do things lahat yun by experience and research na ginagawa ko. Di ko ma tolerate yung taong nangingielam sa buhay ko, maski husband ko gusto na ko kontrolin. Sa ngayon nasa stage kami na bend or break, pwede pa kami maghiwalay sa taas nang tension at stress. Di daw niya kaya na ibukod ako now at di raw kmi makakaipon sa ganun, gusto niya dun na lang kami sa kanila... Eh di nga maganda trato nila sakin kahit pa mabait sila sa umpisa. Hindi rin hygienic ang lugar nila, maingay mga kapitbahay, mga bata at aso, walang guard house Subdivision nila hindi secured, malayo mga lugar na pwede puntahan, wala akong kamag anak dun na pwede takbuhan pag nagaway kami, di tapos yung bahay nila. Samantalang sa bahay nang Ate ko ngayon bago yung house kakalipat lang namin nang January, may sarili akong room, may security guard na hourly nagroronda dito, stable ang water and power, tahimik mga kapit bahay at di uso chismosa kasi Exclusive Subdivision siya 260 houses lang, tsaka dito ako lumaki sa Zambales kaya comfort zone ko dito, andito din sa Zambales ang Mom ko full support naman sila sakin nang Ate ko. Sa palagay niyo may advantage ba talaga ang pagtira sa bahay nang mother in law? Wala akong makitang advantage, puro disadvantage on my part. Advantage lang siguro para sa husband ko para parati niya daw ako kasama, pero magaaway naman kami niyan at makikielam na naman magulang niya. ?

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

It's safe for you and your baby to stay in your Ate's house. Kapag nagdodoubt ka ibigsabihin nun 'wag mo ng ituloy. Don't take the risk, think about your baby's welfare at kung saan sya mas mapapabuti. Pwede naman siguro kayong bumisita dun kapag medyo malaki na baby mo.

U really don't have to get yourself confused. The answer is right infront of u. Why on earth would u transfer on a place you're not comfortable with?? Hayaan mo yang boyfriend mo, bsta dun ka kung saan okay life mo. Naranasan mo na pala life with him, bakit kapa uulit??

Same tayo hayss ginagawa kona lahat hinuhusgahan parin ako at minamaliit sobrang na sstress nako grabe kinakaya ko nalang para sa anak ko huhu palagi sila mag dedesisyon so shut up nalang kami ng asawa ko .. kahit di pa ako buntis masama na talaga ang awra ng mama niya 🙄

6y ago

Nakakasama din nang loob na feeling mo di ka magaling para sa kanila. Meticulosa din kasi akong tao kaya pag may constructive criticism iniisip ko rin kung mali nga ba ung ginagawa ko. Ang problema, wala naman mali sa ginagawa ko pero maka comment padin si MIL wagas. She wants to do things her way, I want to do things my way. Di kami pwede sa isang bahay.

momsh, buntis ka ngyon. and kung maselan man yan o hindi, hindi pa din rightful na magpakastress o mastress ka. if makakausao mo asawa mo, baka pwedeng dun ka muna magbuntis kung san ka magiging comfortable, like dun sa ate mo. Baka maintindihan nya din un. an

6y ago

yes momsh. baby first. 😀

iwas nlng cguro sa stress mamsh... habang may choice ka dun ka sa mgpapasaya sayo... ako dito ako sa bahay ng in law ko kasi ng iisang anak lng si hubby. dito rin working station ko so no choice ako. pakisamahan nlng ng maayos..

6y ago

Thanks momsh. Sana maging maayos ka dyan at happy. Ako kasi feeling ko preso ako nung andun ako sa kanila. :(

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-145047)

Unang-una sa lahat wag mo tawaging husband dahil hindi pa kayo kasal. Pangalawa if it's causing you more stress e di umalis ka jan. Bawal mastress ang buntis, bata nagsa-suffer

Dun ka sa magiging okay ka mommy. Kasi ako nakatira lang din kami ni LO sa MIA ko and hindi okay dito walang privacy at sobrang gulo. Sometimes I feel like mabibinat pako.

Lalong d mag iipon partner mo pag may sinasandalan.. hyaaan mo siya dumiskarte. naniniwala aq n dapat ppinag hahandaan Ang pag papamilya..

VIP Member

Dun ka nlng senyo kesa ma stress ka araw araw dun s bahay ng partner mo, masama ma stress ang buntis may cause pa yan ng kunan