Mga Momsh I need Advice Kasi Ayokong Tumira Sa Bahay Nang Mother In Law Ko.

Yung husband ko, di pa kami kasal legally. Pero ngayon 3 months pregnant ako sa Province ako nagsstay kasama Ate ko. Okay naman ako dito, I'm free to do things that I want, walang bawal bawal. Samantalang nung last year nag try ako magwork sa Manila kaya naisip nang husband ko na doon muna ako sa bahay nila, di naging pleasant experience ko sa bahay nila. Ang daming sumbat nang magulang niya, eh nagaabot naman ako nang pera, ayaw tanggapin baka daw isumbat ko pa ung pag abot ko nang pera. So ang ending pakielamera Mom niya sa lahat nang bagay example: paglalaba, pagluluto ko, paglilinis nang kwarto namin. Lagi niyang sinasabi na mali yung way ko of doing things, I've been doing these things since teenager ako at tama naman ginagawa ko ngayon 26 na ko pero kung magsalita siya parang 18 lang ako. ? Maaga namatay Dad ko at buhay pa Mom ko, so napilitan kami nang Ate na na mag mature nang maaga at maging independent. A trait na namana ko sa Dad ko, the thing is no one taught me how to do things lahat yun by experience and research na ginagawa ko. Di ko ma tolerate yung taong nangingielam sa buhay ko, maski husband ko gusto na ko kontrolin. Sa ngayon nasa stage kami na bend or break, pwede pa kami maghiwalay sa taas nang tension at stress. Di daw niya kaya na ibukod ako now at di raw kmi makakaipon sa ganun, gusto niya dun na lang kami sa kanila... Eh di nga maganda trato nila sakin kahit pa mabait sila sa umpisa. Hindi rin hygienic ang lugar nila, maingay mga kapitbahay, mga bata at aso, walang guard house Subdivision nila hindi secured, malayo mga lugar na pwede puntahan, wala akong kamag anak dun na pwede takbuhan pag nagaway kami, di tapos yung bahay nila. Samantalang sa bahay nang Ate ko ngayon bago yung house kakalipat lang namin nang January, may sarili akong room, may security guard na hourly nagroronda dito, stable ang water and power, tahimik mga kapit bahay at di uso chismosa kasi Exclusive Subdivision siya 260 houses lang, tsaka dito ako lumaki sa Zambales kaya comfort zone ko dito, andito din sa Zambales ang Mom ko full support naman sila sakin nang Ate ko. Sa palagay niyo may advantage ba talaga ang pagtira sa bahay nang mother in law? Wala akong makitang advantage, puro disadvantage on my part. Advantage lang siguro para sa husband ko para parati niya daw ako kasama, pero magaaway naman kami niyan at makikielam na naman magulang niya. ?

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, try mo ito i-watch: https://www.facebook.com/256243017881377/posts/1088141264691544/ Actually may video ako isshare sana sayo kaso di ko mahanap, tungkol yun sa bakit hindi dapat tumira sa in-laws, video din ni richard and maricar. Anyway, ako never ko gagawin na makitira sa inlaws ko, sa parents ko na lang makakakilos pa ako ng maayos. Kahit mahirap pakisamahan ang MIL mo, wag na wag kang magsasabi ng masakit na salita. Dedma lang. Pasasaan ba e matatanggap ka rin niyan. Pero for now, habaan mo ang pasensya mo. Magstay ka na lang kay ate mo, hindi maganda sa buntis ang stressful environment. May "k" ka magdesisyon ng makakabuti sayo at sa baby mo. Go with your gut (at mothers instinct).

Magbasa pa
6y ago

Salamat momsh. Nakaka motivate talaga na panindigan ung decision ko na dito magstay. Panoorin ko yang nilagay mong link. Thank you so much.

ang hubby ko din nun una kmi ngSama gusto ng papa nya dun kmi sa knla tumira at mgpatakbo ng lupa nila (palayan), kahit maganda buhay sa in-laws ko at magtatampo parent nya, mas pinili nya lumuwas dto sa Manila pra mkasama kmi ng anak nmin, bumukod din kmi sa family ko..mas tahimik buhay kpag kyo lang, mas matututo kayo bilang magasawa..ang lagi sinasabi ng asawa ko sakin, kmi na ang priority nya kc kami ang sarili nya pamilya na matuturing nya knya tlaga...pero in good terms kmi ng in-laws ko, wala ako masasabi at npakaSwerte ko sa biyenan ko..gnun po dapat, may paninindigan ang lalaki hindi ung nakaasa pa din sa magulang khit my pamilya na 🙄

Magbasa pa
6y ago

Thanks momsh. Noted yan. Preference ko din ung nakabukod at tsaka may privacy.

Pansin ko mga matatanda mahilig sila na magdikta on how to do things. Kumbaga ung nakasanayan nila, un lang ang alam nilang tama. Hindi naman sila bad people, sadyang limited lang pang unawa. Siguro try mo nalang ung kung pano ung tinuturo sayo kung di naman makakasama, way mo na rin makisama. Pero kung may choice ka naman na dyan nalang sa ate mo, dyan ka nalang. Ung friend ko na gnyan na ganyan ang mil, suicidal na eh. Though at fault din sya kasi oversensitive naman na sya, lahat nalang issue kahit na sya naman pala talaga mali minsan kapag nagkekwento na sya samin ng buong pangyayari. Anyway, I hope makapag decide ka ung best para sa inyo

Magbasa pa

ipaintindi mo nlng sis sa husband mo na buntis ka dapat d ka mastress. sbhn mo sakanya kung maaari dun ka muna sa ate mo hanggang makapanganak ka.after non dun na kayo sknla.malay mo naman db pag nakita na ng mother in law mo ang apo nila magbago na sila.tas habang nag.iipon pa si hubby mo,tiis tiis ka muna dun sknla.mababaling na naman atensyon nila sa apo nila.den kung sa ryt time may budget na si hubby.bumukod na kayo.tingin ko nasa maayos na pag.uusap lang yan.stop blaming each other nlng.no bad words. be understanding and always pray. magiging maayos din yan.dasal lang sis.

Magbasa pa
6y ago

ok lang sis na jan kn muna sa ate mo. mahirap isugal ang pagbbuntis mo sknla stress lang aabutin mo makkasama sa baby mo.basta priority mo ang baby mo.saka payo ko sis, bumukod tlga kayo.mas magiging malala sitwasyon niyo kung ikaw sa side mo, at sya naman sa side nya. mas magandang bumuo kayo ng pamilya na kayo lang.ipush niyo tlga bumukod.

Hello sis. Siguro sa ngayon pagtiisan mo muna hanggat makakakaya mo, hanggat maging ready si hubby mong bumukod kayo. Kung meron mang di pagkakaunawaan sainyo ng MIL mo, si hubby mo muna kausapin mo, at siya yung makikipagusap sa mother niya. Respect pa din sa MIL, kahit anong mangyari. Pakikisama talaga ang susi sis at mahabang pasensiya. Pero sempre, dapat kayo ni hubby mo, may plans din in the future na bubukod talaga kayo, mahirap habang buhay makisama lalo talaga kung di mo kasundo, gera talaga yan. Maging open lang kayo sa isat isa ng mga nararamdaman niyo.

Magbasa pa
6y ago

hindi ako magiging masaya sa kanila sis. Naranasan ko na magstay sa kanila, parang preso pakiramdam ko, parang robot ako. Ganun. Parang wala akong karapatan sa lahat. Dito na lang siguro ako sa Ate ko, atleast walang mang-aapi sakin dito. Thank you. Sinubukan ko na makisama dati, di naman nagwork.

VIP Member

Better stay sa ate mo, kasi totoo ang hirap gumalaw sa bahay na hindi mo vibes ang kasama mo. Nakakasakal at walang privacy. Mas magandang bumukod at magkaroon ng sarili nyong space para walang ibang nakikisawsaw pag may hindi pagkakaintindihan. And yong issue nyo sainyo lang ng partner mo. Samin kasi ng partner ko, gusto nila sakanila ako tumira kaso ayoko kaya ngayon kaaway ko buong pamilya niya kasi attitude sila e. And I choose myself and my baby over him kaya bumalik ako samin.

Magbasa pa
5y ago

Yes totoo yan mahirap makisama sa mga byenan lalot hindi mupa ka vibes yung mga taong nkakasalamuha mo sa bahy.. Ganyan din ako dati laht ng galaw mo titignan nila at kapag nakita na nakahiga or nakaupo sbihan ka ng senyorita kahit kakatapus mo lang mag linis ng bahay nila. Kaya nag decide ako na magbukod kami ng aswa ko nung una parang ayw pa ng aswa ko pero pinaliwanag ko sa knya ng maayus kya di nag tgal nag bukod kami...

Hi mamsh. I get where you're coming from. Dapat nga kayong bumukod para tahimik ang buhay nyo. However, kung sabi ni husband mo na di pa nya kaya, tiis tiis lang muna. Mahirap naman kasi na bubukod kayo tas wala pa kayo ipon, tas manganganak ka pa. Syempre dapat unti unti lang. Have a heart to heart talk with your husband and let him know na gusto mo talagang bumukod. Para mapagplanuhan nyong dalawa saka mapagipunan nyo.

Magbasa pa
6y ago

thank you momsh sa advice. Di kasi talaga maganda experience ko doon at wala pang baby nun, paano pa kaya now na may baby na parating. They are my legal parents pero iba padin talaga pag kadugo mo. Never din kasi nakielam sakin Mom and Dad ko noon, kaya di ako sanay na may nanghihimasok at nag cocontrol nang life ko. Siguro dito na lang muna ako sa bahay nang Ate ko since wala naman siya kasama dito, wala pa siyang family. :)

VIP Member

Stay where you are. Wag mo ipagpapalit komportableng buhay meron ka ngayon sa buhay na alam mo magiging miserable ka. Mas healthy sayo ang ganyan walang stress. Kahit mabait ang MIL di pa din maiwasan na binabantayan mga galaw natin at nakaka stress yun. At isa pa, draining masyado ang makisama. Nakakapagod na nga sitwasyon natin mga buntis obligado ka pang makisama.

Magbasa pa

I suggest doon ka na muna mag-stay sa house nang ate mo, kasi hindi good para kay baby na ma-stress at matensyon ka. Yung in-laws and husband mo hanggang sympathy lang sila feelingnko di naman nila totoong naiintindihan. So for the betterment of you unborn child doon ka sa kung saan ka nakakaramdam nang joy and fulfillment. 😊

Magbasa pa
6y ago

Maraming salamat momsh. Di kasi nila naiintindihan, tama ka dyan sabi nang Instinct ko mapapabayaan lang ako doon. Mas maayos kasi life ko dito momsh tapos peaceful, less people, less stress mas nakakafocus ako kay baby

kung saan ka komportable..dun ka.lalo.na.buntis ka... peru aq nung buntis ako... inaalagaan at inaruga tlga aq ng byanan ko.hnggng.safe mag labor at pgka panganak ako.lalo n cs ako...kya ang palad ko...kahit d p.kmi ksal ng asawa ko....peru kung ituring nila ako..prng totoong anak at kapamilya.

6y ago

Ang swerte mo momsh. Nung nag stay ako sa kanila nang 3 mos nung unang buwan ko lang naramdaman na naaalagaan ako, nung nagtagal kanya kanya ang buhay sa kanila. Boring tapos walang quality time tapos feeling distant talaga sa isa't isa. Nakakalungkot doon. Buti pa dito sa bahay nang Ate ko masaya kami at may full moral support sila sakin.