Abusadong byenang babae

Yung byenan kong abusado na araw araw kong minumura sa isip ko. May sariling pamilya na yung anak nya huhuthutan pa nya ng pera. Sya pa nangungunang manghingi ng pera sa araw ng sahod ng asawa ko. Samantalang nung wala kaming work pareho ng asawa ko sasabihan kaming makapal ang mukha, hindi kayang buhayin yung anak. Tapos ngayun sya pa nangunguna sa pera. Okay lang sana kung wala silang trabaho kaso pareho silang byenan ko na may trabaho at wala din naman silang pinag aaral. Mayabang kasi eh. Kapag kapitbahay ang nanghiram sakanya ng pera papautangin naman nya kasi matulungin daw sya, nakakaawa daw yung kapitbahay. Kaya ngayun sa asawa ko nanghihingi ng pera dahil wala na daw syang pera. Ang galing magmayabang sa ibang tao tapos yung asawa ko peperwisyuhin nya. Ps. Never syang nagbigay samen ng financial na tulong kahit may work silang dalawa ng byenan ko.

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hmm dapat po pinili nyo ng mabuti ung partner mo especially kung klase ng pamilya na merun siya. para hindi ka nag rereklamo