Abusadong byenang babae

Yung byenan kong abusado na araw araw kong minumura sa isip ko. May sariling pamilya na yung anak nya huhuthutan pa nya ng pera. Sya pa nangungunang manghingi ng pera sa araw ng sahod ng asawa ko. Samantalang nung wala kaming work pareho ng asawa ko sasabihan kaming makapal ang mukha, hindi kayang buhayin yung anak. Tapos ngayun sya pa nangunguna sa pera. Okay lang sana kung wala silang trabaho kaso pareho silang byenan ko na may trabaho at wala din naman silang pinag aaral. Mayabang kasi eh. Kapag kapitbahay ang nanghiram sakanya ng pera papautangin naman nya kasi matulungin daw sya, nakakaawa daw yung kapitbahay. Kaya ngayun sa asawa ko nanghihingi ng pera dahil wala na daw syang pera. Ang galing magmayabang sa ibang tao tapos yung asawa ko peperwisyuhin nya. Ps. Never syang nagbigay samen ng financial na tulong kahit may work silang dalawa ng byenan ko.

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

madaming ganyan, kahit nga mga kapatid ng asawa ganyan din, ang gagaling humingi pero kapag ikaw nangailangan laging wala.

yung madami kang gustong sabihin sa byenan mo pero sinasarili mo nalang kasi ayaw mo ng gulo..ramdam kita sis.

3y ago

ganyan din ako sis.. minsan pag sobrang galit at stress ko na iniiyak ko nalang. tapos tatanungin ng asawa ko bat ako umiiyak. ang sarap sigawan ng "DAHIL SAYO! AT SA PARASITE MONG PAMILYA NA HINDI KAMI MAHAL NG ANAK NATEN.!!" Kung pwede lang ilalayo ko na tong anak ko. dun na sya sa nanay nyang walang ibang lumalabas sa bibig kundi "pahingi ng pera!" lamunin nila pera nila..

VIP Member

Kausapin mo asawa mo about sa set up kasi Nanay nya pa din un... Pero asawa ka din.. Kaya dapat pag usapan

ay wow, sarap sunugin ng buhay pag ganyan sis!! o kaya ilaga mo,hahahaha kaloka lang,

4y ago

Kung pwede nga lang sis eh. Kaso talagang minumura ko na sya sa isip ko. Yung wala na akong respeto sakanya sa mga pinag gagawa nya.

buti na lang subrang blessed ako sa MIL ko.😇lalo na sa lahat ng SIL.

3y ago

sanaol sis.. 😢😢😢

Pakulam mo na yan mamsh. Charot haha