Prob Sa Asawa At Byenan

Maglalabas lang ng sama ng loob mga mommies. Ako lang kasi nagwowork samen c hubby wala syang work. Pra may katuwang ako sa gastusin dahil buntis ako naglakas loob akong humingi ng pera sa papa ko pampuhunan nya sa bigas. Kaso nalaman laman ko na nung nalaman ng byenan ko na may pera asawa ko nanghiram kagad sya ng pera. Naiinis lang ako kasi hnd man lang naisip ng asawa ko na meron dn kaming pangangailangan lalo hindi naman sapat yung sahod ko. At lalo pa akong naiinis kasi may trabaho naman byenan ko bakit kelangan pa nyang mangutang e yung sahod nila sakanilang mag asawa lang naman napupunta dahil wala naman silang pinag aaral at pinagkakagastusan pero kapag ibang tao nanghiram sakanila nakakapagprovide naman. Masama ba na pagsabihan kong magdamot naman minsan asawa ko sa pamilya nya? Kasi nakakasawa na inuuna pa nya pamilya nya kesa samen na pamilya nya. Palaging umaasa saken asawa ko sa gastusin, sa monthly check up, vitamins ako lahat gumagastos. Maski nga cravings at fruits na kinakain ko everyday ako na bumibili. Ni hindi ko sya inoobliga sa ganung bagay. Kaso pano kami makakaipon kung ganun ang ginagawa nya. Na kada nalalaman ng magulang nya na may pera sya hinihiraman sya tas hindi naman binabalik. Eh alam naman nilang walang trabaho anak nila. Tsaka kaya nga ako na gumawa ng paraan para may pagkakitaan sya para sana yung sinasahod ko ipon ko nalang sa panganganak at iba pang gastos paglabas ng baby kaso ganun naman nangyari. Anong gagawin ko? Naiiyak nalang ako kapag naiisip ko to.

44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naku sis hirap ng sitwasyon kapag wlang trbaho ang asawa mo. Dpat sya lahat gumagawa nyan dhil buntis ka lalaki dapat ang maghanap buhay at hndi ang babae. Nkakaapekto din po yan kay baby lalo nat sumasabay pa biyenan mo. Same lang tau may problema sa biyenan. Yung skin naman may work nga asawa ko at ako buntis nasa bahay lang at gumagawa ng mga gawaing bahay yung biyenan ko naman pti mga kapatid nyang mga babae hingi ng hingi ng pera sa asawa ko khit hndi nmn importante wla silang hiya kapag nahingi sila sa asawa ko. Alam naman nila maliit lng din sinashod ng asawa ko at minsan nakukulangan pa kmi sa budget hingi prin sila ng hingi sa asawa ko. Di manlang inisip na iba na ang buhay ngaun ng asawa ko magiging tatay na at syempre obligasyon nyang buhayin kmi ng anak nya lalo nat manganganak pa ako. Palibhasa ksi ung biyenan ko walang trabho umaasa lang sa pahingi hingi sa sahod ng mga anak nya at nakaistambay lang sa bahay ng boyfriend nya naghahantay lang na umuwi boyfriend nya kaya gnun. Pasensya na po sa words pero totoo nmn po ksi mga nakikita ko.

Magbasa pa
6y ago

kaya nga sis eh. saken lalo alam nila walang trabaho anak nila tas kapag nalaman nilang may pera anak nila kahit 100 pesos lang hihingin pa nila. buong 100 pa talaga yung hihingin josko. nagsawa na nga ako kakausap sa asawa ko eh kaya kapag naiisip ko yung sitwasyon namin umiiyak talaga ako. hindi ko na masabi sa asawa ko yung nararamdaman ko pano hindi naman nya kayang tiisin pamilya nya pero saken at sa magiging anak namin kaya nyang tiisin yun na naiisip ko.

Actually mahirap po tlaga yan mommy.. And ang mas mahirap is ganyan na ang culture na kinalakihan naten.. hindi naman sa nagdadamot tayo, And bilang nanay, iniisip na naten ang future ng mga anak naten the moment na narinig naten ung heartbeat nia.. i am also sure na ayaw mong mangyari yan sakanila, yung maging dependent tayo sa kanila kapag tumanda na tayo, and sila nanaman yung mahihirap.. so what should we do to stop this from happening to our children? plan for your retirement, kumuha ka ng life insurance with investment.. did you know that as low as 60pesos a day masesecure mo na ang future ng mga anak mo.. message me and let me discuss to you how.. i know you just want the best for them.. 😉

Magbasa pa
VIP Member

Hirap ng ganyang sitwasyon mami. Parang wala namang kusang loob hubby mo na gumawa ng paraan or maghanap ng other income na mas mataas kung gusto nya matulungan yung mga magulang nya. Kase kung aasa lang din sya sa mga kinikita mo or sa sapat lang na kita tapos panay pa ang hiram ng magulang nya eh hirap po talaga makaipon nyan. Sabihin nyo na lang po sa mister nyo, if gusto nya makatulong din sa magulang nya, maghanap sya ng mapapagkakitaan na malaki laki kase may pamilya na sya e. Tama lang na ikaw muna isipin nya since buntis ka at may mga pangangailangan ka din.

Magbasa pa
6y ago

Yun ang prob ko sis kasi hindi sya makatanggi sa magulang nya dahil nagtatampo kapag hindi pinagbigyan. Sana man lang yung magulang nya nag isip muna bago nanghiram. Wala namang problema saken kung manghihiram byenan ko nakakalungkot lang kasi alam nilang pampuhunan yun hihiramin nila. Okay sana kung manghihiram sila kapag may kinikita na.

Luh. Lalaki walang trabaho. Ano yun. Tapos sayo pa aasa ang pamilya niya. Buntis ka pa man din. Di na nahiya sayo asawa mo at biyenan mo. Dapat siya ang nagtatrabaho lalo ngayon buntis ka. Paano pag nanganak ka. Di naman pwede paglabas mismo ng baby mo bumalik ka agad sa work. Yung iba nga 1 month bago manganak nagleleave na. Tapos 2 months after manganak babalik. Yung maselan napipilitan magresign at magapply nalang ulit ilang buwan after manganak. Dapat kumilos rin asawa mo. Dapat di siya bumuo ng pamilya kung ganyan siya.

Magbasa pa

Kausapin mo asawa mo.. Ok lng mag share pero unahin nio muna pangangailangan nio.. Lalo na mag kaka baby kayo.. Ano un? Tutunganga nlng asawa mo habang nag aantay ng laway ang pamilya ng katas galing sayo? Tapos pag ikaw o ang baby mo na nangailangan.. Tutunganga nlng rin? Nangyari to sa bff ko.. Iniwan nia asawa nia, binalikan nia lng nung nangako asawa nia na maghahanap ng trabaho at priority muna nila ang uunahin.. Pag hayaan mo lng gnyan? Naku.. Worst yet to come.. Kya kausapin mo na kesa kawawa kau sa huli..

Magbasa pa

I think need mo sya kausapin,kung ano tlga ang gsto nyang mangyari sa pamilya niyo, kasi kung ikw kng din lhat gagastos den kya mo plng mahing single mom, isa pa sya sa iisipin mong pakainin, sya dpat ang my responsibilidad sayo, sya lahat dpat ang mg provide, kasi lalake sya, its better for you to go home and ipunin mo nlng yung pera mo para sayo at sa anak mo, wag mo na isali ang aswa mo kung wla nmang interest para tulungan ka,

Magbasa pa

Pauwiin mo na yan sakanila momshie. Napakalaking burden and stress lang niyan kung sana ba todo alaga siya sainyo ni baby mo. Hindi po dapat kinukunsinte yung mga ganyang lalaki, masasayang lang po yung effort niyo and pagmamahal sa maling tao. Umuwi na kamo sya sa pamilya niya tutal yun naman ata first priority niya e. Sana matauhan na siya at maghanap man lang sana ng work. Kaso mahirap pag nasanay na ganyan eh.

Magbasa pa
VIP Member

mas mabuti pong dun ka muna magstay sa parents mo kase don maturulungan ka nila sa pagpeprovide r libre ka a sa foods at bayarin para yung sahod mo ipon na lang apra sa panganganak, kung hindi gumagawa ng way hubby mo at ikaw lang ng ikaw, what more pa kung lumabas na si baby? Pano na lang kayo? Bakit ayaw magtrabaho ni hubby mo? Kayo yung kawawa ng anak mo kapag pinagpatuloy mo po jan mamsh.

Magbasa pa

Iyakan mo. Sabihin mo ang nararamdaman mo. Sabihin mo sa asawa mo na nahihirapan ka sa nararamdaman mo, na pakiramdam mo, na kahit nahihirapan kang magbugdet, inuuna pa rin niya ang pangungutang ng pamilya niya. Hindi masama magpahiram, pero isipin niya muna, kamusta ang asawa ko kapag panay pamigay ako ng pera.

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

Sabihin mo Momma sa asawa mo, unahin niya kayo. Kayo na ang priority niya. Kamo saka na kayo pwede makatulong sa magulang niya kapag maluwag na kayo o kapag nagkatrabaho siya. Mahirap yan. Hindi naman kayo magdadamot eh kaso priority nio ang baby hanggang paglabas ni baby. Pakisabi sa asawa mo hindi pagdadamot yun, setting priorities lang.

Magbasa pa