Breastfeed Rant
Yes, breastmilk is really the best for babies. Alam na alam nating lahat yan. We even prepared ourselves sa pagpapadede bago pa man lumabas si LO. We invested for nursing covers, nursing bras, etc. However, may mga curcumstances na di maiiwasan. LO cannot latch dahil sa nipple ko, hindi siya nakadede for 2 days after he was born. Since breastfeeding hospital yung pinaganakan ko, magkamatayan na pero bawal ang formula. My newborn LO cried for 2 straight days dahil pinipilit pa din namin na mag latch siya sakin. Until kailangan na niya uminom ng gatas ng ibang nanay on the 3rd day. We bought breastpump rightaway as an alternative dahil yes, may gatas ako but di maka latch si baby at gusto ko talaga breast fed siya. Problem was solved, he got my breastmilk using breastpump. Until my doctor discovered na may problema ako sa cholesterol and bp that I had to take medicine na unfortunately, bawal sa breastfeeding mom that's why I had to stop breastfeeding. Kung hanggang kelan, di ko alam. Still, I 'pump and dump' para after medication balik breastfeed ulit, hindi mawawala gatas ko. Pero NAWALA. My milk supply stopped. He's now on formula, masakit man sa loob ko, pero wala akong choice. Now, masama ba kong nanay?? Sino bang nanay na gustong di healthy mga anak nila? Sinong ayaw makatipid? Kaya before you give lecture tungkol sa dapat breastfed ang mga LOs natin, ALAM NA ALAM PO NAMIN YAN. Dont make us feel na wala kaming kwentang mga nanay.