Pregnancy Symptoms Survey!

what’s your pregnancy symptoms mimasaurs nung hindi nyo pa alam na buntis kayo?

38 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Maselan ako nung nagbuntis , nagsusuka ako tapos hilo plus ayaw ko ng kinakain ko kaya ako nangayat . Nung ganon nangyayare sakin una nagtaka Ako syempre minsan kase simpleng pagkain lang bigla ako nahihilo unlike sa dati , nung ganon na nararamdaman ko nag pt ako agad at doon ko nalaman buntis ako delay din kasi tsaka panay tulog ako di kayang labanan ang antok

Magbasa pa

Antukin. As in hindi ko na siya mapigilan nakakatulog na ako talaga. Irregular ako kaya wala sa isip ko na buntis ako. Naduduwal - inisip ko lang acidic ako kasi since college ganon nangyari sa akin noon nalilipasan ako ng kain that time sa sobrang busy... kaya hindi ko naisip na buntis ako talaga HAHAHA

Magbasa pa

nagsuka sa morning, afternoon at evening tapos nilagnat nagpahilot ako noon diko pala alam 2 months preggy nako buti di masyado diniinan tyan ko . . . naging sleepy head din ako ,sumasakit ang ulo , tender breast at mahapdi ang puson parang inaacid ang sikmura

antukin yung di mapigilan na antok, hilong hilo, headache, mabigat katawan parang nabugbog, tender breast parang symptoms lang ng magkakaroon, masakit puson, nagduduwal. Walang gana kumain. Irregular ako, kaya di ko alam na juntis na pala ko akala ko pms lang

nung unang mga naramdaman ko is nasakit ung puson ko on and off akala ko magkakaroon lang then sobrang sakit ng nipple ko, parang inaacid, naduduwal, sumama pakiramdam, hilo pagtatayo. Irregular kasi ako kaya di ko alam na buntis na pala ako.

nalaman ko na buntis ako nasakit ang niples ko at sumasakit ang tyan ko. tas ayoko ng pabango at hingal nako nag ka ubo pako ng malala pero ramdam ko na ,buti nlang d ako nka inom gamot . tsaka may pcos ako kaya kala ko tumatanda lang kaya ganun

ako po wala..as in..never ako naging antukin never din po ako nag crave sa pagkain kahit pagsusuka di ko rin naranasan as in normal lang po..nalaman ko na buntis ako kase po delay nko ng 1 week na never nangyari sakin dhil regular ng period ko..

3mo ago

swerte nyo naman mi❤️❤️

sorebreasts kahit delayed na ko ng 11days talaga yung dede ko masakit.. tapos parang rereglahin pakiramdam sa puson pero hindi naman nagkakableeding.. tapos parang ako lalagnatin.. at buong araw inaantok kahit madaming tulog na😅

Hindi po ako makakain ng maayos. Yung usual na gusto ko naman parang isusuka ko. Delayed po ng 1 week. Nag pt then positive 10 weeks at the moment. Bahong baho po ako sa ginisa, at nangayayat din po ako sobra.

naging iyakin ako, akala ko normal pero may times talaga nun na diko maintindihan kahit Small things naiyakan ko😭 Tapos boogsh ayun nalaman ko buntis pala ko😹