Pregnant ba??

Hi mommies! Ano mga signs and symptoms nyo bago nyo malaman na buntis kayo? #advicepls #pregnancy #1stimemom #pregnancy #pregnancy #pregnancy #pregnancy

44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

na experience ko, hindi ko inisip na buntis ako kasi sanay ako sa mens ko na ireg. so akala ko simpleng ganun lang yun. then karapan ng tulog ko nagising ako na nag ka-cramps yung boobs ko tapos masaket na sya. sunod medyo nag cramps din yung puson ko kaya akala ko rereglahin ako d lang makalabas yung dugo kaya may balak sana ako nun uminom ng herbal like sambong or sarpentina. pero napansin ng mama ko may iba sa boobs ko then sinabi ng hubby ko medyo nag dark yung nipple ko. (spg) nag joke pa ko na "sa laway mo lang yon" 🤣✌ then next naramadaman ko sumaket balakang ko. as in na d ako mapakale. so akala ko umaatake na naman UTI ko. pero triny ko yung advice ng mama ko na mag pt muna ako bago uminom ng herbal. then nagulat ako nag pt ako. positive sya 🤗😇 pero before nun nagkatampuhan kami ng hubby ko. tapos nunh pinakita ko yung pt ko. ayon. bati na kami. then until now hindi na kami nag aaway. humaba pasensya ng hubby ko mga mammi HAHAHAHA 😂

Magbasa pa

delayed pero i didn't mind kasi lagi naman ako na dedelay. yung food aversions lang. mga paborito kong pagkain, inaayawan ko na. minsan kinakain ko masarap parin naman pero nasusuka ako after kumain. halos everyday talaga yun sinabihan ko na nga si mama magpalit na ng ulam kasi nauumay na sikmura ko sa pa ulit² na ulam (which is mga paborito ko nga) hahaha yun pala buntis na. sumakit rin ng todo ngipin ko non as in napakasakit na may halong headache. sabay talaga yang dalawang yan nag take pa ko mefenamic at saridon buti nalang di na apektohan si baby. balak pa magpabunot pero paanong bunot eh wala namang cavities yung ipin ko tapos pa lipat² pa yung sakit😅 minsan sa taas minsan sa baba

Magbasa pa

sakin dko pinansin kc nga wala naman ako nararamdaman ng kahit anung sign bukod sa delay ako ng ilang araw tapos 1 day morning may nangyari samin ni hubby pag punas ko may dugo so naglagay ako ng napkin kc alam ko rereglahin nako kc ganun naman ako.lagi lumipas ang isang araw maghapon naglalagay ako napkin pero wlang dugo😁 pero dko pa dn bnigyan pans8n nag inuman pa.kami kasama mga friends na halos lasing na lasing ako naikwento ko sa kanila na isang araw may dugo nga ako sabi nila try ko mag pt so knabukasan nag PT ako ayun na nga 2 lines agad😁 kaya wlang hangang pasasalamat at kasiyahan talaga namin😍🥰 sori ang haba hahaha

Magbasa pa
VIP Member

Weird yung pag sakit ng likod ko as in sobra ung medyo malapit sa balakang, pero 1-2 days lang un kaya akala ko wala lang or magkakaron. tsaka biglang sakit ng puson ko na di rin normal kala ko di makalabas yung dugo kaya ganun. kinakabag/ acid reflux na ko masyado pati ang sama ng pakiramdam ko gusto na lang matulog 😅 di pa ko nagsusuka nun pero medyo namili na ko ng pagkaen pero di ko pa un alam hahah lumala lang pagiging mapili nung confirm na

Magbasa pa

hilo evry morning n d q pnncn kz sv q bka mtaas sugar q... pero delayed n aq nun ilng arw..then may albularyo n nkita aq sv buntis dw aq..d aq naniwala pguwi nmn ni husbnd ng pt aq dlwa agd gnmit q pareho positive ngpt again aq ng mdling arw tlgng positive...den ngp heckup n aq..positive n nga 6weeks n nga pero wala p bata inulit ng 9weeks yun may heartbeat n xa.

Magbasa pa

Bukod sa delayed yung period, sensitive yung boobs ko, konting madikit lang nasasaktan ako. Sobrang lakas din ng pang amoy ko. Yung ibang favorite food ko nababahuan ako. Madalas masakit ang ulo. Masakit din ang puson yung feeling na magkakaron ka na sabay biglang mawawala yung sakit tapos after ilan days babalik nanaman.

Magbasa pa

before ako mag PT last January at bago dumating yung date na dapat may period na ako alam ko na agad na buntis ako. never naman ako naging hingalin Tapos yung tyan ko bilugan for me Yun yung mga signs na preggy ako then yung PT is for assurance lang na talaga buntis so ayun nga buntis nga me 🥰

before pa yun expected period ko, sobrang bilis ko napapagod un normal lang dati sakin na long walks sa mall di na kaya sis pagod agad ako. Tapos sobrang antukin ko at ang masakit un breasts. At bilis ko din magutom hahaha , delayed then PT turns positive :)

Akala ko may covid ako kasi ang sama ng pakiramdam ko nanghihina, nagsusuka at wala din akong panlasa pero meron naman ako pang amoy. At wala ako gana kumain kahit ano uminum pa nga ako biogesic kasi feeling ko talaga may lagnat ako nun.

VIP Member

Delayed period, sensitive nipples na hindi mawala wala, sore boobs, heartburn, and acid reflux. Pinaka indication ko talaga yung heartburn and acid reflux kasi hindi ko naman yan naeexperience on a daily basis. 😅