Pregnancy Symptoms

Anong week nyo na-feel yung symptoms ng pregnancy?

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Parang mag 1 month yata, nagtataka kasi ako bakit ihi ako ng ihi ng gabi at madaling araw dahil di naman ako palainom ng tubig kaya dun malakas na hinala ko, tapos sobrang tamad ko maligo hhehe di ako lulamalabas ng kuwarto at ni pati kumain wala akong gana mag isang buwan din akong di kumain ng maayos tubig lang, tapos totoo yung makaamoy ka ng bawang ang baho para sakin 😁.

Magbasa pa

Hindi ko na feel not until noong delay at nag PT ako at check-up. Pero napansin ko lang lagi akong antok at natutulog kahit hapon hehehe! Ubos lagi energy ko agad sa work. Pero wla akong pagseselan sa amoy at cravings.

bago dumating yung date ng period ko lagi yung feeling ko nasusuka ako. parang inaacid lang. pero di ko pansin. hanggang sa madelay n yung period ko ng more than a week.tas yun buntis na pala.

Ako nung nadelayed aq tas masakit na boobs ko... Tas nung pinainom na ko ng vits ayun lagi aq nasusuka.. Ska palagi antok kung dati 11 pm ang tulog ko ngaun 9 palang bagsak na ko

VIP Member

7 weeks at bongga ang paglilihi ko nabawasan ako ng 14kilos hahha in just 2weeks, pero nagstart ako makabawi noong 13weeks na.

As early as madelay, sasakit puson mo. Kakaibang sakit ah di yung pang period tas sore breasts na bawat galaw sumasakit...

Wala. Hehe, nadelay lang period ko kaya naisipan na namin ni hubby magtake ng pt. Both pregnancies ko walang signs 😅

6 weeks. Laging gutom. Gusto kain ng kain kaya mga kasama ko sa trabaho nag hinala na. Dun na ako bumili ng PT. 😊

wala namang iba kundi yung pag delayed lang. tsaka siguro assuming ako haha

Wala pa halos akong 1 month na delay lagi na ako inaantok. Kaya nagtry n ko agad