What I Want for Her

What I want for her Being a single mom is not easy. Lalo na kung first time mom ka.. Sobrang hirap wala kang katuwang sa lahat ng bagay.. Simula ng ipanganak ko si baby ilang beses palang nya nakita at nakasama ang papa nya.. Hiram na sandali kung baga.. Dahil hindi namin pwedeng angkinin ang taong akala kong magiging light in shining Armour ng baby ko once lumaki na sya.. Dahil hiniram lang namin sya sa taong mahal ng papa nya at taong mahal ang papa nya.. Ang sakit lang everyday na babangon ka eto na naman makikipagsapalaran tayo sa kung anung pwedeng mangyari sa araw na yun.. Bago pa mam maputol connection namin may mga plano nako kay baby.. Syempre kasama ang papa nya sa mga planong yun.. Isa na dun ang mabigyan ng maayos at masayang pamilya ang anak ko.. Makilala nya ang papa nya at makasama nya which is nangyari na pero saglit na panahon lang.. Vacation na buo kaming pamilya.. Kumain sa labas.. Ibili si baby ng mga damit sa mall, mga laruan.. Mag karoon ng family picture, magkakasamang sumimba, out of town, mag unwind sa lahat ng prob.mabigyan ng magandang edukasyon, maibili ng masarap na pagkain si baby..kargahin ng papa nya si baby habang nag gagala, ihele sa pagtulog..ipagmalaki sya ng papa nya sa social media,.. Ilan lang yan sa mga gusto kong maranasan ng baby girl ko sa papa nya.. Ngunit sa kasamaang palad tulad ng nabanggit ko hiniram lang namin ng kaunting panahon ang papa nya sa taong mahal nya... Simula ngayon ginagawa ko ang lahat para sa anak ko ng sarili ko lang.. Binibili sya ng mga damit, mga laruan, mga pagkain na pwede na nyang kainin... Minsan nga hindi kona iniisip ang sarili ko, inuuna ko palagi ang anak ko, ganan tayong mga magulang dapat priority na natin ang anak natin at kaligayahan nila kaysa sa sarili natin o ibang bagay.. Isa lang kinatatakot ko sa ngayon pano kung dumating yung time na "mama asan si papa" "mama asan ang tatay ko bakit wala akong tatay" "mama makikita ko paba si papa?" "mahal ba ako ni papa?" ilan sa tanong na ikadudurog ng puso ko... Hindi ko siguro alam kung paano ko sasagutin ang anak ko once tinanung nya yan.. Gustuhin man naming makasama ang papa nya hindi maaari.. Oo mahal ko ang papa ng baby ko kaya nga hinayaan kona sya sa gf nya dahil yun ang pinili nya at masaya sya dun. Sabi nga nila kung mahal mo talaga ang isang tao hahayaan mo sya kung alam mong hindi sya sasaya sayo. Hindi ko gugustuhing mapilitan lang ang papa ni baby na makisama sakin para lang sa anak ko.. Call me selfish pero ayaw ko ng ganung set up dahil alam kong ayaw ng gf nya sa anak ko.. Ayaw kong dumating yung araw abandonahin nalang sya ng tatay nya ng biglaan kapag may sarili na itong pamilya..napakasakit nun sa part ng anak ko.. Mas pipiliin kong kami nalang ng anak ko kaysa masaktan ang anak ko in the future... Pinagtabuyan sya ng parents ko dahil nalaman nilang may gf pala sya.. I was expecting na he will beg for forgiveness at ipipilit nya sarili nya maayos lang ang lahat pero sumuko na sya ng ganung kadali.. 99% aminado ako sumuko nako but i still have 1% na umaasa na maayos pa.. Pero pano? San ko sisimulan gusto ko syang ilaban pero worth it paba? Instead hayaan nalang natin si God na mag decide if gusto nyang maging complete ang family na inaasam ko para sa anak ko... I know Im not a perfect mother but still Im trying to become the best mom for my baby girl.

1 Replies

VIP Member

hayaan mo nalang mommy mhirap din makisama sa taong di kanaman gusto. maganda nalang jan hingan mo ng sustento ung bata para naman kahit papano ay makatulong siya.

Trending na Tanong