Depressed

Hi just want to share my thoughts. Im 18 yrs old. Graduating na po sana ko ng shs kaso nalaman ko na buntis ako, sinabi ko sa adviser ko yung situation natapos ko yung 1st sem pero mag isang subject ako na hindi ako nakapagperformance task p.e subject dahil sayaw yung peta namin at sobrang bilis ko hingalin nagtanong ako sa teacher ko sa p.e kung ano pwdeng alternative na gawin ko para magkagrade sa kanya nadedepressed ako sa sinabi nya na "kasalanan ko bang buntis ka?" "Wala na nagdistribute na kami ng grades" hinahabol ko lng naman po ung grade sakanya hindi naman sya major subject. Gusto kasi ng principal na idrop na ko kaso hndi pa pinipirmahan ng mother ko ksi may isang subject pko na walang grade para next year if ever na pumasok ako ulit 2nd sem nlng uulitin ko. Hindi ko na alam pano pakikiusapan ung teacher ko naiiyak ako gabi gabi kasi naiinggit ako sa mga kaklase ko na naggagraduating picture then may retreat. :( hindi ako nagreregret na nagkababy at early age nakakainggit lang wrong timing kasi pero blessing to. Kahit anong focus ko sa ibang bagay para hindi mastress hindi ko mapigilan sarili ko na isipin ung mga sinabi sakin. Psensya na po wala lang po ako mapaglabasan ng sama ng loob.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Share ko lang, same tayo ng sitwasyon sis! Buntis ako ngayon at the age of 17 years old (6 months) then kabuwanan ko na netong May. Oo sobrang aga pa para magbuntis at di pa ako ready, buti nalang mga in law's ko todo suporta sa pagbubuntis ko ngayon, sinasamahan pa nila ako mag pacheck up sa center. Pero yung mama ko hindi nya matanggap na maaga ako nagbuntis kase pinagkakatiwalaan nya nga bf ko (3 years and 4 months narin kaming magkalive in and yes, 14 or 15 yrs old nako nagkaroon ng bf agad agad basta about sa broken family kaya nagkakaganto ko). So, ang gusto ng mama ko is maka graduate ako ng Shs kaya nagpupursigi ako makipag cooperate sa school, siguro sis much better na kausapin nyo ng mama mo in person lahat ng subject teachers mo at guidance teacher para aware sila na may ganyang cases sa school nila para ma guide kapa IF pumapasok kapa. Kase ang ginawa ko sis bago ako hindi na pumasok nagkasunduan na kami ng advisers and teachers ko na pag di na nga daw ako pumapasok magbibigay nalang daw sila ng modules, tapos cooperate nalang sa bayarin, saka magsulat ng mga lectures yun lang. Buti nga yung ibang subject teachers ko ang performance task lang nila sakin is magbibigay lang sila ng Powerpoint lectures tapos aaralin ko nalang para sa dagdag na kaalaman kase ayaw nilang ma istress ako ganun. Syempre di rin maiiwasan ang mga maaattitude na mga teachers lalo na sa mga girl teachers, 2 lang kase girl teachers ko sa Practical research 1 saka Filipino then the rest puro lalaki na at sobrang thankfull ako kase sobrang maalagain sila πŸ™ Through chat ko nalang sila nakakausap, minsan kinakamusta ko sila isa isa na anong topic nila then sinesearch ko sa internet inaaral ko din para makasabay ako pero yung dalawang teachers ko talaga na panay chat ako sakanila na siniseen lang nila ako di pa din ako mawawalan ng pag asa, nagpatulong ako sa adviser ko na kausapin nya din sila na ganto nga sitwasyon ko sana makaintindi man lang gagawin ko naman lahat para matapos ko tong grade 11 buti nalang nakikicooperate sakin adviser ko sobrang swerte ko πŸ™ Kaya ang ginagawa ko ngayon is nagsusulat sa mga notebooks dahil yun lang ang performance task ko sa lahat except lang dun sa maaattitude kong teachers, siguro baka ipadala nalang sakin yung test paper ko pag periodical na bali sa bahay nalang ako magtetest, Btw i'm ABM student mahirap pero kakayanin hehe. Sabi pa nga ng Marketing teacher ko "Asikasuhin mo lang ang baby mo. huwag kang magpupuyat" nakakagaan ng loob sobra πŸ™ Kaya cheer up sayo sis! wag mawalan ng pag asa! kaya mo yan, pag may gusto may paraan pag ayaw may dahilan diba. Buti ka nga graduating kana eh ako papunta palang hehe. Saka wag kang papaistress sis, gawin mong inspirasyon ang baby mo at bf mo wag kang mahiya, wag mong papakinggan sasabihin ng iba basta makatapos ka and safe ang baby mo ☺️

Magbasa pa
5y ago

Masama ang sobrang mastress sis just relax. Dun ka nalang sa bahay nyo if di mo na talaga kaya mag galaw galaw and take a rest, tanong tanungin mo nalang mga classmate mo kung ano topic nila then iresearch mo para makasabay ka saka message mo na rin lahat ng teachers mo if may maaattitude patulong ka sa adviser mo o sa guidance teachers πŸ™‚ kaya mo yan ✊

When I got pregnant 11 yrs ago at 18, no one knew until nag 5mos ako. Inakyat ko bundok para lang magka grado kasi yun ang PE namin that time. Pasado ako nun. Then nag stop ako. Then nung babalik na sana ako para mag aral, di na pala pwede kasi kami ang last na old curriculum. New na kasi that time. Pero kinausap ko talaga ang dean namin. Umiiyak ako sa harap nya. Sabi nya di na talaga pwede. Balik first year ako. Pero talagang umiiyak ako nun hanggang sa nagsabi sya na maghanap ako ng mga ibang tao na gustong bumalik na mag school at pag umabot ng certain number, iopen daw nila ulit. Naghanap ako at umabot nga at na open. Kaya nakapag aral ako ulit. Kami actually. Naging instrument pa ako para makapagtapos lahat ng na delay din kagaya ko. And yes, nag graduate kami. Degree holders na kami. This is not to brag but to inspire. But guess what, di ko din nagamit ang degree ko para magkapera. Nag negosyo ako at nagtayo ng sariling company. Maliit pa pero doing great! So wag mawalan ng pag asa kung sakali may ibang plans si God for you. Gods plans are better than yours. Always. ❀️

Magbasa pa

First time mom here πŸ’™ when i found out na buntis ako napalukso ako sa tuwa.. then I decided to resign ng madalian galit na galit AMO namin sa work.. mga masasakit na salita sinalo ko bc I know everything has a reason GOD KNOWS HOW HAPPY I AM NABUNTIS AKO.. TINANGGAP KO MGA MASAKIT NA SALITA NIYA SAKIN DIKU NGA NAKUHA BUONG SAHUD KO THAT NIGHT SUMIKIP DIBDIB KO 7 WEEKS PREGGY AKO NUN STRESS NA STRESS AKO.. PINAGHIRAPAN KO YUNG SAHUD NA YUN PINAG PUYATAN.. KAHIT WALA AKO NASAHUD MASKI PISO NAG OT PA DN AKO SA OFFICE.. SINABI NIYA SAKIN NAPAKA SELFISH KO DW KASE SARILI KO LANG INIISIP KO SABI KO NO! DAHIL PLANO KO NA TALAGA TO KAHIT ANO SABIHIN MO THIS IS NOT A BAD TIMING BC BABY'S A BLESSING! KAYA FIGHT KA LANG NAGING STRESS AKO 1-5 MONTHS TIYAN KO MARAMI DUMAAN NA PAGSUBOK DN PERO SA KANYA LANG TALAGA AKO LUMALAPIT I KNOW GOD DTAYU PABABAYAAN HAVE FAITH IN HIM .. 😊

Magbasa pa

Nagsabi kaba agad sakanila na buntis ka bago ka hindi makapag perform? Baka naman kase di mo sila sinabihan kagad kaya ganyan reaksyon nila baka naman bigla ka nalang di sumayaw kase hinihingal ka malamang magagalit talaga yung teacher mo. Dapat bago ka muna di sumali nagpaalam kana ahead na "mam di po ako makakasali kase po buntis po ako". Pero kung ganun naman ang ginawa mo at ayaw padin nila better na lumapit ka sa deped or ched di ko alam kung alin ba dapat ang sa SHS ask ka kung wala kabang karapatan humingi ng alternative na gagawin kase nga buntis ka at gusto mo makatapos. Kung wala naman talaga at desisyon ng teacher yun kausapin mo ulet malay mo pumayag na pero kung talagang hindi hayaan mo na wag mo na ipilit pwede ka naman magaral ulet pagkapanganak mo. Wag mo na stressin sarili mo kase masama sa baby yan.

Magbasa pa

ako po 1year nalang sana graduate na ng engineering kaso nahinto kasi dumating yung baby angel ko. 19weeks preggy ako ngayon and di ako pumasok ng 2nd sem. at first sobrang nasad ako kasi gusto ko pang pumasok and makasabay gumadruate batchmates ko pero naisip ko rin. hindi naman ibibigay si baby kung hindi pa talaga nasa gusto ni Lord. yun nalang iniisip ko. wag ka nang madepress. baka makasama kay baby. may ganyang prof din ako pero in the end nadaan naman sa pakiusapan. basta pagpatuloy mo lang aral after manganak. besides masarap kaya makita nagcclap yung baby mo for you kasi kumukuha ka na diploma. something na iilan lang nakakaranas 😊 kung di madaan sa pakiusapan. yaan mo na. siguro di siya love ng mama niya hahahahhaha cheer up. wag madepress baka pumangit si baby.

Magbasa pa

Whatever it is, a baby is still a blessing. The consequence that we faced is part of the choices that we made in the past. What you do now is focus on what you have, pray with what you will be and be thankful in everything. Most of the time, our depression comes from comparing ourselves with the other people when in fact every person is unique and even each circumstance. Time will come, if it is really the perfect will of God, you will graduate. Be comforted that many loves you and most of all, Jesus loves you. Be comforted. Smile 😊

Magbasa pa
VIP Member

bakit kasi nanghubad ng panty ang lintik na BF na yan...hindi na kakahintay..ang lalaking yan na alam nyang nag aaral ka pa..sarap apakan ang bF na yan...nanghubad...hi di ka naman mabuntis kung hindi yan nanghubad ehh. Be strong na lang girl priority mo na lang ang baby..school ka na lang ulit..pagkatapos mo.manganak....sorry ha..kasi naman ehh sayang yong Dream ng parents mo..p8naiyak.mo.sila...,pero ngayon alagaan mo na lang muna tyan mo...kumain ka ng masustansya...inagtan mo baby mo...

Magbasa pa

I'm 19 and 2nd year college,17 weeks pregnant. Nagdecide ako na hindi na pumasok ng 2nd sem kasi alam kong mahihirapan ako sa PE kasi bball at vball yun. Ganyan din ako araw araw at gabi-gabi. Yes, wrong timing ang dating ng blessing pero hindi pa naman dyan nagtatapos ang lahat e. Hindi din naman pinagmamadali na makatapos, ang mahalaga nagampanan at nalagpasan mo yung mali mo. Sa ngayon siguro hindi pa, pero sa mga susunod magiging ok na. Cheer up!

Magbasa pa

Hi sis. Currently at 18 din and kakapanganak ko lng nung january pero ung pagkakaiba lng nakagraduate na me ng shs nung nabuntis ako πŸ˜… and buti na lng tapos na ako kc performing arts track ko πŸ˜…. Cheer up nanjan lng ung school. Iniisip ko nga kung itutuloy ko pa college o kay baby na lng ako focus at sa lip ko. Try to do something na lng na pwede mo pagkaabalahan like business sa bahay o ano hehehe. Ok lng yan 😊 bahala na si Lord sa teacher mo

Magbasa pa
VIP Member

Baka kasi sayaw ang competence na dapat imeasure, kaya di pwedeng maghanap ka ng ibang activity. Ganito nalang, tanggapin mo na this is just one of those consequences that you have to face because of what you did. Bawi ka na lang pagkabalik mo ng school. Pakatatag oa for your baby. Prove to him/her that you do not regret having him/her at kaya mo panindigan yan. Relax, and enjoy your pregnancy. Wala na magagawa ang pagsisisi.

Magbasa pa