Depressed

Hi just want to share my thoughts. Im 18 yrs old. Graduating na po sana ko ng shs kaso nalaman ko na buntis ako, sinabi ko sa adviser ko yung situation natapos ko yung 1st sem pero mag isang subject ako na hindi ako nakapagperformance task p.e subject dahil sayaw yung peta namin at sobrang bilis ko hingalin nagtanong ako sa teacher ko sa p.e kung ano pwdeng alternative na gawin ko para magkagrade sa kanya nadedepressed ako sa sinabi nya na "kasalanan ko bang buntis ka?" "Wala na nagdistribute na kami ng grades" hinahabol ko lng naman po ung grade sakanya hindi naman sya major subject. Gusto kasi ng principal na idrop na ko kaso hndi pa pinipirmahan ng mother ko ksi may isang subject pko na walang grade para next year if ever na pumasok ako ulit 2nd sem nlng uulitin ko. Hindi ko na alam pano pakikiusapan ung teacher ko naiiyak ako gabi gabi kasi naiinggit ako sa mga kaklase ko na naggagraduating picture then may retreat. :( hindi ako nagreregret na nagkababy at early age nakakainggit lang wrong timing kasi pero blessing to. Kahit anong focus ko sa ibang bagay para hindi mastress hindi ko mapigilan sarili ko na isipin ung mga sinabi sakin. Psensya na po wala lang po ako mapaglabasan ng sama ng loob.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sana nireklamo niyo sa division office ng DEPED or sa municipal DSWD. Kasi naginform ka naman sa adviser mo. Pagkukulang ng school yan na i take for consideration yung situation mo. Ireklamo mo yan sis, verbal abuse din yung sinabi sayo ng PE teacher mo. I asked my father na principal ng senior high yung situation mo, and yan yung inadvise niya na gawin niyo ng parents mo. Good luck and God bless. Pakatatag ka sis.

Magbasa pa

Nagkaroon ako ng chance na makapag resign na sa previous work ko last yr.. Balak ko kase this 2020 mag work abroad, pero hindi pa ntatapos ang 2019, buntis pla ako :) may halong kaba at saya, kase dalawang beses n ako nakunan e, natatakot na ako. Yung balak ko na pag aabroad nwala na sa isip ko, di na ako nagwork ngayon, nagbedrest n ako pra mas maingatan si baby :) Wala lamg, share ko lang :) hihihi

Magbasa pa

Hi mommy! Stay positive lang okay? Kung ganyan ang prof mo sayo, better ireport mo yan dahil hindi naman tama na irisk mo yung bata para lang sa gusto niya. I'm 18 when I got pregnant with my baby boy and 19 when I gave birth to him. Wag ka magpapaka stress lalo na nararamdaman ni baby nararamdaman mo. Kaya mo yan okay? Be positive lang lagi

Magbasa pa

Okay lang yan bebigurl, nakakatuwa kasi wala kang regret sa baby mo un nga lang nakakainggit no mauuna sila pero okay lang yan, unahin mo baby mo sa ngayon after that achieve your dream. Ung prof na sumira ng grade mo ipagpray mo nalang sya grabe sya nakiusap ka naman masama kung nag inarte ka at ayaw mo magparticipate.

Magbasa pa

your teacher has this inconsiderate attitude. you are just askng for alternative way pra makapag comply pra magkagrades. haysss.. siguro nga kasi na ipasa n niya ang grades. retake mo na lng kng wla choice be, kya nmn isingit un nxt enrol mo. wg k n msyado mg isip d sya major subjct kya magagawan p ng paraan yan.😊

Magbasa pa

talino naman naman ng teacher mo professional na professional yung pag sagot,sa pagkaka alam ko yung teacher ay pangalawang magulang ng students pag nasa school pero instead of ganyan sabihin niya sa student na buntis sana intindihin nalang niya yung sitwasyon sana lang wag mangyari sa magiging anak niya yan..

Magbasa pa
VIP Member

Hi mommy. Hugs. Isipin mo na lang na may consequences ang mga bagay bagay. Wag ka masyado magpaka down. Darating yung time na ikaw naman ang gagraduate. I am proud of you kase di mo naisipan mag pa abort or what at a young age kahit na may pangarap ka sa sarili mo. Laban mommy!!!

VIP Member

Hello. Hindi mo kasalanan na nabuntis ka. Kung tutuusin, pwede mong ireklamo yan. Pangalawang magulang ang mga teachers so kailangan intindihan ang kalagayan mo. Huwag kang mainggit sa mga gragraduate. Darating din yan. Nauna lang sila. Huwag ka papastress. Bawal kay baby yan. Take care!

VIP Member

Hi mommy..im a class adviser for how many years..pero sa public school ako nagtuturo..for the your case nakadepende yan sa patakaran ng pero kasi some cases naman mastinutulunagn dapat ung gabyan sa case not unless kong nasa private ka..iba kasi ang private school??nada private kaba?

5y ago

yes po private school, iniisip ko lng po kompleto po ako skanya sa lahat ung isang activity lang di ko nagawa skanya kaya nakiusap po ako na baka pwde special project nlng or reporting kahit di na po ganun kataas grade bsta wag lang ibagsak sayang po kasi yung 2500 kung isa-summer ko pa after ko manganak.

Wag ka masyado magpa stress ksi malaki magiging epekto nyan sa baby mo. Ako din sobrang stress ko nung nakaraan tapos nung last check up ko sabi sakin ng doctor may posibilidad na makunan ako, at ang main reason is stress. Kaya iwasan mo mga bagay na ngapapa stress sayo.