Depressed

Hi just want to share my thoughts. Im 18 yrs old. Graduating na po sana ko ng shs kaso nalaman ko na buntis ako, sinabi ko sa adviser ko yung situation natapos ko yung 1st sem pero mag isang subject ako na hindi ako nakapagperformance task p.e subject dahil sayaw yung peta namin at sobrang bilis ko hingalin nagtanong ako sa teacher ko sa p.e kung ano pwdeng alternative na gawin ko para magkagrade sa kanya nadedepressed ako sa sinabi nya na "kasalanan ko bang buntis ka?" "Wala na nagdistribute na kami ng grades" hinahabol ko lng naman po ung grade sakanya hindi naman sya major subject. Gusto kasi ng principal na idrop na ko kaso hndi pa pinipirmahan ng mother ko ksi may isang subject pko na walang grade para next year if ever na pumasok ako ulit 2nd sem nlng uulitin ko. Hindi ko na alam pano pakikiusapan ung teacher ko naiiyak ako gabi gabi kasi naiinggit ako sa mga kaklase ko na naggagraduating picture then may retreat. :( hindi ako nagreregret na nagkababy at early age nakakainggit lang wrong timing kasi pero blessing to. Kahit anong focus ko sa ibang bagay para hindi mastress hindi ko mapigilan sarili ko na isipin ung mga sinabi sakin. Psensya na po wala lang po ako mapaglabasan ng sama ng loob.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako po 1year nalang sana graduate na ng engineering kaso nahinto kasi dumating yung baby angel ko. 19weeks preggy ako ngayon and di ako pumasok ng 2nd sem. at first sobrang nasad ako kasi gusto ko pang pumasok and makasabay gumadruate batchmates ko pero naisip ko rin. hindi naman ibibigay si baby kung hindi pa talaga nasa gusto ni Lord. yun nalang iniisip ko. wag ka nang madepress. baka makasama kay baby. may ganyang prof din ako pero in the end nadaan naman sa pakiusapan. basta pagpatuloy mo lang aral after manganak. besides masarap kaya makita nagcclap yung baby mo for you kasi kumukuha ka na diploma. something na iilan lang nakakaranas 😊 kung di madaan sa pakiusapan. yaan mo na. siguro di siya love ng mama niya hahahahhaha cheer up. wag madepress baka pumangit si baby.

Magbasa pa