Share ko lang, same tayo ng sitwasyon sis! Buntis ako ngayon at the age of 17 years old (6 months) then kabuwanan ko na netong May. Oo sobrang aga pa para magbuntis at di pa ako ready, buti nalang mga in law's ko todo suporta sa pagbubuntis ko ngayon, sinasamahan pa nila ako mag pacheck up sa center. Pero yung mama ko hindi nya matanggap na maaga ako nagbuntis kase pinagkakatiwalaan nya nga bf ko (3 years and 4 months narin kaming magkalive in and yes, 14 or 15 yrs old nako nagkaroon ng bf agad agad basta about sa broken family kaya nagkakaganto ko). So, ang gusto ng mama ko is maka graduate ako ng Shs kaya nagpupursigi ako makipag cooperate sa school, siguro sis much better na kausapin nyo ng mama mo in person lahat ng subject teachers mo at guidance teacher para aware sila na may ganyang cases sa school nila para ma guide kapa IF pumapasok kapa. Kase ang ginawa ko sis bago ako hindi na pumasok nagkasunduan na kami ng advisers and teachers ko na pag di na nga daw ako pumapasok magbibigay nalang daw sila ng modules, tapos cooperate nalang sa bayarin, saka magsulat ng mga lectures yun lang. Buti nga yung ibang subject teachers ko ang performance task lang nila sakin is magbibigay lang sila ng Powerpoint lectures tapos aaralin ko nalang para sa dagdag na kaalaman kase ayaw nilang ma istress ako ganun. Syempre di rin maiiwasan ang mga maaattitude na mga teachers lalo na sa mga girl teachers, 2 lang kase girl teachers ko sa Practical research 1 saka Filipino then the rest puro lalaki na at sobrang thankfull ako kase sobrang maalagain sila π Through chat ko nalang sila nakakausap, minsan kinakamusta ko sila isa isa na anong topic nila then sinesearch ko sa internet inaaral ko din para makasabay ako pero yung dalawang teachers ko talaga na panay chat ako sakanila na siniseen lang nila ako di pa din ako mawawalan ng pag asa, nagpatulong ako sa adviser ko na kausapin nya din sila na ganto nga sitwasyon ko sana makaintindi man lang gagawin ko naman lahat para matapos ko tong grade 11 buti nalang nakikicooperate sakin adviser ko sobrang swerte ko π Kaya ang ginagawa ko ngayon is nagsusulat sa mga notebooks dahil yun lang ang performance task ko sa lahat except lang dun sa maaattitude kong teachers, siguro baka ipadala nalang sakin yung test paper ko pag periodical na bali sa bahay nalang ako magtetest, Btw i'm ABM student mahirap pero kakayanin hehe. Sabi pa nga ng Marketing teacher ko "Asikasuhin mo lang ang baby mo. huwag kang magpupuyat" nakakagaan ng loob sobra π Kaya cheer up sayo sis! wag mawalan ng pag asa! kaya mo yan, pag may gusto may paraan pag ayaw may dahilan diba. Buti ka nga graduating kana eh ako papunta palang hehe. Saka wag kang papaistress sis, gawin mong inspirasyon ang baby mo at bf mo wag kang mahiya, wag mong papakinggan sasabihin ng iba basta makatapos ka and safe ang baby mo βΊοΈ
Magbasa pa
First time mom βΊοΈ