Due date: Nov 16 DOB: Nov 6 Weight: 2.55 Via Normal Delivery

Just wanna share my experience lalo na sa mga mommy out there na malapit na manganak. Oct 25 last ultrasound ko, 3.2kg na baby ko kaya sabe saken ng midwife mag control ako ng kaen dahil medyo malaki daw si baby, kaya natakot ako dahil may chance na ma cs ako kung lumaki pa si baby. Nag pursigi akong mag diet no rice for 1 week then dasal dasal na sana manganak na ko kase pag nag stay pa si baby sa tiyan ko possible na lalaki pa sya. Nov 2 last check up ko sa lying in pagka ie saken 1cm na, kinabukasan nilabasan ako ng mucus plug. Nagtanong tanong ako kung normal ba un. Sabe nila manganganak na daw ako on that day or sa week na un. Pero sabe ng midwife normal lang daw un, kaya di pa ko nag panic. Every morning naglalakad ako ng 1 hour kasama husband ko pag nasa bahay nag ssquat ako. Naglalaba, walis walis. Nov 6 tumulong pa ko magsampay para exercise na rin, 12 pm naligo na ko, bandang 2 pm paikot ikot lang ako sa bahay namen tapos squat ng 30 times, don ko na rin naramdaman na parang rereglahin ako. Naka poop pa ko ng 2 beses di na din ako kumaen ng tanghalian. Bandang 3 pm nag text na ko sa midwife na sumasakit na ung puson ko 10-5mins ang interval, sabe nya punta na ko ng clinic pag tumindi ung sakit. Bandang 4pm nag empake na ko ng gamit namen ni baby, 5-6pm 2mins na lang ang interval at ramdam ko na din na masakit na talaga pero kaya pa naman nakakatawa pa ko, tinawagan ko na din ung asawa ko para dalahin na ko sa clinic, 6:45pm nakarating kame ng clinic bp muna tapos ie 9cm na agad, no blood parin kaya pinaglakad lakad pa ko hanggang sa ramdam ko na talaga ung LABOR, napaluhod na lang ako sa sahig sa sobrang sakit, inaantay kong pumutok ang panubigan ko or may lumabas na dugo pero wala parin, umiire na ko sa sobrang sakit, sabe ng midwife saken kapag ramdam ko na daw na parang may lalabas na magsabe lang daw ako, pero halos di na ko makasalita balak ko manganak na lang sa sahig kase parang di ko na kaya tumayo, naka dalawang ire pa ko hanggang sa ramdam ko may naka bungad na sa pwerta ko pinilit ko padin tumayo kahit hinang hina na ko, umakyat ako sa higaan sabe ng midwife naka labas na daw ang panubigan ko pagka butas nya sa panubigan ko sabay inire ko na at 7:10pm baby out lakasan lang talaga ng loob at syempre dasal sobrang powerful po ng dasal mga mommy 🙏🏻🙏🏻♥️♥️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles