Giving up having a baby.
Hello, today parang nagdecide nalang partner ko na mag give up to have a baby, of course masakit. Pero parang ganun na din ako. in 14 years of being together, nung una wala kaming plano pero nung 9 yrs dun kami nag hangad na, pero naging early miscarriage lang pagbbuntis ko once. Considering na nagdarasal daw sya, may pcos ako at parang hirap sya sa pakiusap kong itigil muna ang smoking and drinking alcohol dahil low sperm count sya (though nag lessen naman sya compared noon) ,lastly nag pa ob and vitamins supplements na kami. Siguro hanggang dito nalang talaga. May naka experience po ba ng gantong sadness? 🥲 Salamat po.

I've been there, sinukuan ko na rin ang pagta try mabuntis kasi masyado akong kino consume to the point na kinailangan ko pa magstop sa work para maipahinga yung katawan ko at mabuntis. Dumaan na din ako sa depression. Kaso waley. Hanggang sa ayun kinalimutan ko na na ttc kami, nagfocus na lang ako sa work. Tapos kung kailan hindi na ako nagi expect dun naman may dumating. As in ilang months na akong delay before pa ako nagPT. Kasi napagod na ako madisappoint. Kaya inignore ko yung signs na buntis na ako. Binalikan ko yung mga changes paano kami nakabuo after ilang years, unti lang. Una si partner nagpahinga ng 2 weeks, kakaresign lang niya sa work. Btw cook siya, and iniisip ko, baka dahil dun sa nature of work niya na laging mainit kaya affected yung sperm cell niya, so baka nakatulong yung pahinga niya kaya nakabuo kami. Pangalawa, nagwo workout ako. Nagpe prepare kasi ako for summer body goals so tingin ko, since mas naging healthy yung katawan ko, nakatulong para makabuo. Pangatlo and tingin ko pinaka importante, less stress ako nung time na nabuntis ako. Before, naiinis ako sa advice nila na wag kasi magpaka stress ganyan, kasi nakaka stress talaga pag ttc, hindi maiwasan. Pero totoo naman talaga. So in short, kelangan healthy both ang physical and mental health natin. Hoping na sana, kahit matagalan, dumating na yung para sa inyo. Alam ko sobrang hirap niyan, parang nakakabaliw, pero malay natin, baka next month or next year dumating na siya, kung kelan hind mo ini expect. And sa iyo future mom, be kind to yourself.
Magbasa pahugs sis.. naranasan namin ng husband ko yan.. 2015 yung unang baby namin.. tapos nung gusto na namin sundan ndi namin masundan sundan.. bwan bwan hinahangad ko d ako magkaregla pero lagi regular period ko. lahat ginawa na namin pero wala e d masundan... tapos nung hinayaan nalang namin at nag enjoy nalang kami at d na namin inisip.. saka ako bigla nag buntis nung 2021.. magdasal lang kayo palagi .. ibibigay sainyo yan ni Lord sa alam niyang tamang Time para sa inyo🙏 at isa pa sis.. di niyo ba kinoconsider ang mag ampon? yung iba yan ang nagiging blessing sa kanila.. kung kelan nag ampon saka bigla magbubuntis.. kami ni husband ko kahit 2 na anak namin pinag iisipan namin mag ampon pag lumaki laki na etong bunso namin.. Godbless
Magbasa paSame sis gusto namin sundan panganay nmin na 7 years old pero hndi ma sundan sundan. Nabuntis ako nung Oct. last year 2022 pero nagka miscarriage din nung Nov. 2022 kaya parang nanghinaan ako ng loob, actually kaming mag asawa kasi mahina sperm count ng mister ko. Palagi lang kaming nagsisimba pag sunday grabing dasal po ginawa namin tapos miracle after 8 months bumalik po baby namin. 😊 I'm currently 10 weeks pregnant and counting. Kaya wag na mawalan ng pagasa. "Delight yourself in the Lord, and He will give you the desires of your heart ❤️" Psalm 37:4
Magbasa paako din gusting gusto din namin sundan bunso namin 11yrs old na Pero iniisip ko parang risky na kc 36 yrs old na ako,parang natatakot na akong umanak,dati Sabi ko okay na clang dalawa lang kaso napapancn ko sa asawa ko gusto nya na baby boy lage nyang kinukuha ung pamangkin ko,inggit na inggit sa mga may baby boy na anak Pero umaasa pa din ako magka anak kami
Magbasa paako po dati ganyan. as in give up na. tapos bigla nabuntis po ako 9weeks napo tyan ko diko alam. pray harder. Si Lord po dipa give up sa inyo. dapat kayo rin po. in time. perfect and healthy baby po ibibigay sa inyo. btw 2 miscarriage rin po ako
wag mawalan ng pag asa mi ❤️ yung ninang ko halos ganyan din nag give up mag ka baby nag ampon nalang sila then biglang nag kahimala nabuntis sya at age of 40+ di nya rin inaasahan pa yun ngayon 3yrs old na yung baby nya
may varicocele pa po ang hubby ko sis at pcos ako, pero nagka anak kame. magkasunod pa😅 wag napo mag brief si hubby. mag boxer nalang po. inom rin centrum silver at iwasan alak at yosi.