Negative PT but still hoping 🥲
Hi, nag follow ako sa lahat ng advice ni OB. I have pcos and partner has a low sperm count. To ve honest nahihirapan kami mag conceive, medyo umiinom pa kasi partner ko pero na lessen naman compared noon. Last time nag do naman kami during ovulation period.. expected mens ko is Aug 14 base sa flo calendar app. Nag pt ako kanina pero negative. Nawawalan nako ng pag asa. Nakakaramdam ako ng sensitive nipples and backpain, constipation and bloating. Diko alam if pms or what. Sukuan ko nalang ba ang pag kakaron ng baby? Salamat sa advice.

wala akong PCOS pero sa 2nd husband ko nahirapan din kami makabuo to the point na umabot kami ng pa 4yrs kase sobrang lakas nyang mag inom sabi sabi lang naman if maniniwala ka kase yung husband ko pinatigil ko sya sa inom ni onti diko sya pinaiinom gang sa nag october 2022 to november 2022 halos walang sayad ng alak sa kanya tas dec dahil christmas and new year inom sya pag ka january 1 to 30 walang inom then january 31 uminom ulit sya feb is diko alam na ito na yung month na makakabuo kami pero 1-2 sex lang ata nangyare dahil namatay bestfriend nya (kababata) ng feb 14 gang sa mailibing yun walang sex contact kami tas march 1 nawala sakit ng nipple ko then dami ng nakapansin na umitim ako gang sa nag pt ako after kong mag sundo sa anak ko ayun positive pt na ☺️ nag 4yrs kami nung april kaya sakto talaga pero wag susuko ❤️ dirin naman dahilan ang pcos or mababa sperm count ng husband nyo ninang ko 40+ na nag ampon nalang din sila na akala dina mabibigyan ng baby pero nag karoon sya ng sariling anak nila kung matatawag may tamang panahon jan mi masyado lang ata kayong nag eexpect ng maaga pero kapag di nyo na namalayan na kakaabang nyo e may nabuo na pala ❤️☺️ pray at lagi nyo lang pag usapan para di kayo nag kakaroon ng negative thinking parehas ☺️
Magbasa paAko never naman nagpa alaga sa OB kaya di ko sure if nagka PCOS ako. Pero it took 6 years before kami nkabuo, ang tagal namin nagtry. Nadepress na din ako, nagstop magwork to focus on getting pregnant kaso waley. Nung sumuko na ako kakatry at nagi start mag enjoy ulit sa buhay single dun naman ako nabuntis. Kaya I feel you. I've been there, sobrang hirap. Parang walang advise na makakapag comfort sa akin nun. Ang maipapayo ko na lang is stop stressing yourself too much, be kind to yourself. Hoping na makabuo na din kayo soon.
Magbasa paHi. I, too, have PCOS, di kinaya ng diet and right food. Did this for almost a year. What we did was let my husband take supplements with Ginseng like Polynerv E. And I had my Glutathione drip sessions (helps in managing PCOS and increased fertility) after 2 sessions of gluta drip, my PT came positive. Try to review din gluta drips, other OBs advise this na din. Try to ask your OB din :)
Magbasa pamahirap tlaga ang PCOS po. 4 yrs ako nag tiis. awa ng Dios may baby na po ako.. ang ginawa ko lang po workout sa gabi bago tlug. at may na inum po ako nun. cervix care 2 times a day. mejo mahal eh dpat daw 3 times a day di kaya ng bdget ko. within 28 days. then pray ka po.. ndi ko inexpect naka buo kami ng bf ko po.
Magbasa paMameh yung may PCOS kasi sobrang hirap na talagang mabuntis,what more na mababa pa sperm count ni partner diba? Pero be healthy lang po talaga, don't stress out and be positive palagi,it helps kahit mahirap ang sitwasyon.
The more na hinihintay niyo,less chances of getting preggy kase nai-stress kayo kakaisip. Hayaan niyo lang po,let it come the natural way. Kalmahan niyo lang,kusang darating yan pag time na.
Paalaga lang po kayo sa OB. May PCOS ako pero nabuntis agad ako. Sa sis in law ko, may something din sa sperm ng hubby nya, nakuha naman ng mga iniinom na vitamins. Sabay lang kami nagbuntis
Pray lang po walang imposible sa panginoon may pcos (bilateral) din ako pero nabuntis naman paalaga kalang sa ob mo para mabigyan kayo ng tamang gamot.
Ganyan din kmi ni hubby nun 3yrs bgo nagconcieved may PCOS din ako at nag gain ng wg. Until mag diet ako at umalis sa stressfull work. Environment.
im pcos fighter din mommie pero more on hiking kami ni mr kaya siguro nadiet ako pero sa kain ko walang nagbago then now im 16weeks preggy na po.