Giving up having a baby.

Hello, today parang nagdecide nalang partner ko na mag give up to have a baby, of course masakit. Pero parang ganun na din ako. in 14 years of being together, nung una wala kaming plano pero nung 9 yrs dun kami nag hangad na, pero naging early miscarriage lang pagbbuntis ko once. Considering na nagdarasal daw sya, may pcos ako at parang hirap sya sa pakiusap kong itigil muna ang smoking and drinking alcohol dahil low sperm count sya (though nag lessen naman sya compared noon) ,lastly nag pa ob and vitamins supplements na kami. Siguro hanggang dito nalang talaga. May naka experience po ba ng gantong sadness? 🥲 Salamat po.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hugs sis.. naranasan namin ng husband ko yan.. 2015 yung unang baby namin.. tapos nung gusto na namin sundan ndi namin masundan sundan.. bwan bwan hinahangad ko d ako magkaregla pero lagi regular period ko. lahat ginawa na namin pero wala e d masundan... tapos nung hinayaan nalang namin at nag enjoy nalang kami at d na namin inisip.. saka ako bigla nag buntis nung 2021.. magdasal lang kayo palagi .. ibibigay sainyo yan ni Lord sa alam niyang tamang Time para sa inyo🙏 at isa pa sis.. di niyo ba kinoconsider ang mag ampon? yung iba yan ang nagiging blessing sa kanila.. kung kelan nag ampon saka bigla magbubuntis.. kami ni husband ko kahit 2 na anak namin pinag iisipan namin mag ampon pag lumaki laki na etong bunso namin.. Godbless

Magbasa pa