Giving up having a baby.

Hello, today parang nagdecide nalang partner ko na mag give up to have a baby, of course masakit. Pero parang ganun na din ako. in 14 years of being together, nung una wala kaming plano pero nung 9 yrs dun kami nag hangad na, pero naging early miscarriage lang pagbbuntis ko once. Considering na nagdarasal daw sya, may pcos ako at parang hirap sya sa pakiusap kong itigil muna ang smoking and drinking alcohol dahil low sperm count sya (though nag lessen naman sya compared noon) ,lastly nag pa ob and vitamins supplements na kami. Siguro hanggang dito nalang talaga. May naka experience po ba ng gantong sadness? 🥲 Salamat po.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I've been there, sinukuan ko na rin ang pagta try mabuntis kasi masyado akong kino consume to the point na kinailangan ko pa magstop sa work para maipahinga yung katawan ko at mabuntis. Dumaan na din ako sa depression. Kaso waley. Hanggang sa ayun kinalimutan ko na na ttc kami, nagfocus na lang ako sa work. Tapos kung kailan hindi na ako nagi expect dun naman may dumating. As in ilang months na akong delay before pa ako nagPT. Kasi napagod na ako madisappoint. Kaya inignore ko yung signs na buntis na ako. Binalikan ko yung mga changes paano kami nakabuo after ilang years, unti lang. Una si partner nagpahinga ng 2 weeks, kakaresign lang niya sa work. Btw cook siya, and iniisip ko, baka dahil dun sa nature of work niya na laging mainit kaya affected yung sperm cell niya, so baka nakatulong yung pahinga niya kaya nakabuo kami. Pangalawa, nagwo workout ako. Nagpe prepare kasi ako for summer body goals so tingin ko, since mas naging healthy yung katawan ko, nakatulong para makabuo. Pangatlo and tingin ko pinaka importante, less stress ako nung time na nabuntis ako. Before, naiinis ako sa advice nila na wag kasi magpaka stress ganyan, kasi nakaka stress talaga pag ttc, hindi maiwasan. Pero totoo naman talaga. So in short, kelangan healthy both ang physical and mental health natin. Hoping na sana, kahit matagalan, dumating na yung para sa inyo. Alam ko sobrang hirap niyan, parang nakakabaliw, pero malay natin, baka next month or next year dumating na siya, kung kelan hind mo ini expect. And sa iyo future mom, be kind to yourself.

Magbasa pa